B.A.P sa CanCam magazine Enero 2015

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/11/bap-in-japanese-cancam-magazine-jan.html

 ©Y.A.A BABY-J

2012 Korean debut. Sa 2013, ang kanilang Japan debut ng “Warrior”! Mayroong malakas na katangi-tanging tunog at makapangyarihang live performance ang kanilang charm; ang 6-miyembrong grupo na sikat sa London, Paris, LA, NY at iba pang lugar. Ang kanilang pang-araw-araw na fashion ay pinakita sa tour atbp, ay nasa estilo at may mataas ang sukatan ng marka ♡

Tanong! Sino ang tingin mong #1 sa grupo?
YOUNGJAE
Pinanganak noong 1994, January 24. 178cm. Main vocal na may *mellow na boses na kaniyang charm. Kasama ng ka-edad niyang si Daehyun, binansagan silang “Daejae” at iniibig ng mga fans.
“Gusto kong malambing siyang imbitahan sa isang parang, “labas tayo~♥” at mamasyal!” – Youngjae

WORK » Q1. Ang may pinakamataas na tensyon matapos ang mga live?
Youngjae: Siguro si Yongguk-san? Nakakagulat no! (tawa) Di siya madalas nagsasalita, pero maingay siya pagtapos ng live!
Daehyun: Sa palagay ko, si Youngjae? Ang daldal niya!
Jongup: Palagay ko rin…!
Youngjae: Eh!? Ganoon ba. (tawa)

PRIVATE » Q2. Ang pinakamadaldal sa gitna ng schedules?
Youngjae: Kadalasan… Himchan-san! (tawa) Maliligalig siya kasama ni Daehyun, tapos masasama ako, lumalaki ang ingay.
Daehyun: Hanggang sa puntong walang makakatigil sa amin!
Youngjae: Kahit na nakakaya ni Jongup matulog sa mga ganitong sitwasyon. (tawa)
Q3. Ang pinakamalala matulog?
Youngjae: Himchan-san ay madaldal pag gising, pati na rin pag tulog siya! (tawa) Kailan lang, natulog ako sa kwarto ni Yongguk-san sa kwarto niya, at mula sa kabilang kwarto, naririnig ko ang tulog na si Himchan-san na nagsasalita… Nakakaistorbong ingay!

LOVE » “Isang sorpresa sa isang date pag tag-lamig? Bumili ng mainit na tsokolate at ibigay ito sa kaniya~♥” – Youngjae
Q4. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Youngjae: Palagay ko si Himchan-san. Mukhang siya ang magseselos sa kahit sinong magkaka-nobya. (tawa)
Q5. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Youngjae: Sa lahat♥

JONGUP
Pinanganak noong 1995, February 6. 176cm. Dancer na may magandang pangagatawan at napaka-sexy titig!
“Manood ng pelikula at mag-usap sa café…♥ Gusto ko ng normal na date tulad noon… (hiya)” – Jongup

WORK » Q1. Ang pinaka nagbago matapos ang debut?
Jongup: Daehyun-san! Ang pagkanta niya…
Daehyun: Anong meron sa aking pagkanta singing!?
Jongup: Ang pagkanta niya, dati ang naiisip ko “magaling!”, pero ngayon ang nararamdaman ko “woah~ napaka galing~!” at syaka matitinag. (tawa)
Q2. Ang pinakamablis matuto?
Jongup: Ako at Zelo, ang maknaes ay madaling matutuo! Pero mabagal ako mag-aral ng mga saya.... si Himchan-san ang may pinakamagandang memorya. Maalala niya ang itsura ng mga staff mula sa photoshoots, at mga gusaling nalagpasan saglit ng kotse. Napaka galing na kakayahang umalala!

PRIVATE » Q3. Ang pinakamabagal mag-impake?
Jongup: Ako? Ako ang tipo na aalis sa 25 na minuto kung magkikita kami ng 30 na minuto, at darating ng 35 na minuto. (tawa)
Youngjae: Totoo ang “oo nga, meron nga palang usapan!” na tipo! (tawa) Pinakamabilis ay… si Daehyun. Kabaligtaran, siya ang tipong darating ng 10 na minuto bago ang napag-usapang oras, kaya handa siya all-around at dumarating ng mas maaga kesa sa iba. (tawa)
Jongup: Napakabilis niya!

LOVE » “Pinakamagandang sorpresa sa unang date sa tag-lamig… Bibigyan ko siya ng pinakabagong CD ng B.A.P! (tawa)” – Jongup
Q4. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Jongup: Youngjae-san
Q5. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Jongup: Ang taong malapit sa akin sa oras na iyon.
Youngjae: E di sasamahan kita palagi!

HIMCHAN
Pinanganak noon 1990, April 19. 180cm. Matalas sa pagsasalita ng Nihongo, vocalist na may pala-kaibaigang ngiti at magiliw na atakeng verbal. Isa ring mangingibig ng fashion.
“Kapag nagkaroon akong nobta, gusto kong lumabas sa Japan na mahal ko! Maganda ang mamili ng magkasama” – Himchan

WORK » Q1. Ang laging sanhi ng kaganapan?
Himchan: Daehyun! Nasira ang zipper ng pantalon ni Zelo habang live, at umalis siya sa stage para ayusin mag-isa, namali ng intindi si Daehyun na tapos na ang live at nagpunta siya sa backstage! (tawa)

PRIVATE » Q2. Ang pinakamasama sa pagluluto?
Himchan: Zelo at Youngjae. Dati, inutusan ko si Zelon na magluto ng kanin, at naging kulay na di ko pa nakikita… Paano naging ganoon iyon e ang kailangan mo lang gawin ay pindutin ang switch?
Zelo: Eh? Di ko maalala! (tawa)
Q3. Ang pinakamabilis sa pagsagot sa SNS?
Himchan: Iyon ay 6-taong group chat, pero naging 3-taong pag-uusap namin nila Youngjae at Daehyun. (tawa) Pinakamabagal si Yongguk. Pinaghihintay niya ako/kami ng napakaaaaaa tagal tapos iisang salita lang ang sagot niya. Kahit na tiyak na nagbabasa siya!
Yongguk: Nagbabasa ako, pero akala ko okay kung makakapag-sap kami pag nagkita kami.

LOVE » “Gusto kong tuparin lahat ng hiling ng nobya ko! Kahit na mamimili o lumabas sa date, lahaaaat ito♥” – Himchan
Q4. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Himchan: Youngjae! Dahil tinatawagan niya ko ng “saan ka?” at “bilisan mong bumalik! Mahal kita♥” (laugh)
Q5. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Himchan: Ibabalita ko sa group chat.
Youngjae: Sasagot ako ng “Mag-break na ka~yo”!
 ©Y.A.A BABY-J

DAEHYUN
Pinanganak noong 1993, June 28. 178cm. Ang kaniyang katangain ay isang tenshinranman! [* simple at  inosente] Main vocal na katangi-tanging “high-pitched na sigaw” at namamagaw na boses.
“Ang date sa tag-lamig ay dapat sa labas! Mamasyal kaming dalawa para panuorin ang paborito kong nyebe♥” – Daehyun
WORK » Q1. Ang laging sanhi ng kaganapan?
Daehyun: Siguro si Zelo? Sa pagbukas ng nakaraang tour, nagpunta ng siya sa stage lift na di niya dala ang mikropono… ! (tawa) Kaya pinahiram ko ang akin sa kaniya♥

PRIVATE » Q2. Ang pinakamalinis?
Daehyun: Yongguk-san. Kawarto namin ni Zelo ay malinis rin! Kwarto nila Himchan-san at Jongup-san ang pinakamagulo. (tawa) Meron hinala sa ibang kagrupo kapag nawawala ang mga charger mula sa kwartong iyon! (tawa) Nag-linis lang sila matapos namin lumipat, at dahil lagi silang tulog, di sila nakakapag-linis.

LOVE » “Dahil tag-lamig, gusto kong mag-gantsilyo ng balabal o gwantes para sa kaniya~♥“ – Daehyun
Q3. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Daehyun: Siguro ako! (tawa) Kung ang nobya ko ay di nagsabi at kumain kasama ng kaibigang lalaki? Diretso ko siyang pupuntahan, titignan sa mata, at tatanunging “saan ka nagpunta kahapon” tulad ng isang tunay na lalaki. Pero, kung si Youngjae iyon, kahit paliguyin ay di niya maitatanong tulad ng “kahapon…” at sasabihin lang na “hindi… wala iyon”! (tawa)
Youngjae: Kakabahan ako at di ko matatanong~
Q4. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Daehyun: Wala akong sasabihan (Habang bino-boo ng malakas, tinitigan siya ni Youngjae sa gilid) Oo na, sasabihin ko na.

ZELO
Pinanganak noong 1996, October 15. 185cm. Ang bunso na may high speed “LTE rap” at may pambihirang kakayahan para sa aktibo at pinong sayaw.
“Isang date sa tag-lamig… sa labas ng bansa! Gusto kong subukan ang snowboarding sa Vancouver♪” – Zelo
WORK » Q1. Ang pinaka nagbago matapos ang debut?
Zelo: Si Daehyun-san ay naging fashionable! (tawa)
Q2. Ang pinakamabagal maghanda pag lalabas?
Zelo: Ako. Mas maaga akong nagigising kesa sa lahat at nagpaplanong matapos na maghanda, pero lagi ako nag-aalala sa mga susuotin ko, kahit na para lang sa training, kaya ako lagi ang nahuhuli...

PRIVATE » Q3. Ang pinakamagaling sa pagkuha ng selcas?
Zelo: Daehyun-san.
Himchan: Mas magaling ako! Ang walang kakayahan ay si Youngjae. Kahit na iniisip niyang magaling siya dito.
Zelo: Huhu! Parehas lang lahat.
Q4. Ang pinakamagaling sa snowboarding?
Zelo: Nasubukan ko na minsan, pero dahil may interes ako sa snowboarding, tiyak na magiging magaling ako rito!
Yongguk: Di ko pa nasubukan ang mag-skii o mag-snowboard ni minsan simula ng ipanganak ako!
Q5. Ang kumakanta ng madaming kanta ng B.A.P sa karaoke?
Zelo: Daehyun-san. Iyong iba, hindi! (tawa)

LOVE » “Gusto kong sekretong kunan ang sayaw namin sa harap ng mga kandila, at bigay ito bilang regalo” – Zelo
Q4. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Zelo: Hmmm~m siguro ako. Di ko magugutuhan kong lumabas siya kasama ng mga lalaking kaibigan atbp.
Q5. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Zelo: Syempre si Yongguk-san. Dahil siya ang aming maasahang pinuno. (tawa)

YONGGUK
WORK » Q1: Ang masarap kumain matapos ng pagtatanghal?
Yongguk: Himchan! (tawa) Mahilig talaga siyang kumain, kahit na kumakain kami magkasama, may chichiria siya sa gilid.
Zelo: Kung gusto namin kumain ng kung anong meron iya, kailangan muna huminging permiso bago kumain!
Yongguk: Mahina ako kumain.

PRIVATE » Q2: Ang pinakamalala matulog?
Yongguk: Merong pader sa pagitan ng kwarto nila Himchan at Jongup (at ng akin) pero naririnig ko parin magsalita matulog si Himchan! (tawa)
Himchan: Di ko ginagawa iyan sa hotel di na?
Yongguk: Ngayon… napaka-ingay ng kwartong iyon.
Himchan: Napakahirap sa akin!  Paggising ko nasa mukha ko ang paa ni Jongup… Katakot-takot!
Yongguk: Aah, ang sarap nang may sariling kwarto.

LOVE» Q3. Sino ang pinaka magseselos kabang nagkaroon ka ng nobya?
Yongguk: Daehyun o Youngjae o Zelo.
Q4. Kung magkaroon ka ng nobya, sino ang una mong sasabihan?
Youngjae: Sa lahat. Titipunin ko sila na “Lahat kayo punta rito. May gusto kong sabihin” ay naiisip kong gagawin namin. Pag sinabi kong “Tara dito!” nasasabik kami (tawa)

Q1. Paboritong kanta ng B.A.P?
Youngjae: “Coffee Shop”
Jongup: “One Shot”
Himchan: “Excuse Me”
Daehyun: “Badman”
Yongguk: “One Shot”
Zelo: “Warrior” at “Hurricane”

Q2. Paboritiong flavor ng ice cream?
Youngjae: Soda
Jongup: Tsokolate
Himchan: Presa
Daehyun: Cookies and cream.
Yongguk: Pulang munggo
Zelo: Melon.

Q3. Madalas na order sa café?
Youngjae: Americano
Jongup: Smoothie na presa
Himchan: Iced americano
Daehyun: Smoothie na vanilla ice cream♥
Yongguk: Iced americano
Zelo: Lemonada na lasang Japanese na plum

Q4. Bagay na bibilhin mo sa konbini?
Youngjae: Onigiri na lasang Bibimbap o gochujang-bbq.
Jongup: Potato chips.
Himchan: Buong tindahan! (tawa) Loko lang. Cola na Non low-carb.
Daehyun: Hot dog
Yongguk: Suam na mais sa cup.
Zelo: Melon-pan at melon bar [*ice cream].
Translation © cassie_babyz | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

 ©Y.A.A BABY-J
 ©Y.A.A BABY-J



©sungpotatokyu

 ©Y.A.A BABY-J

 ©Y.A.A BABY-J

 ©Y.A.A BABY-J

 ©Y.A.A BABY-J

 ©Y.A.A BABY-J

 ©Y.A.A BABY-J


Shared by Nicole @ BAPYESSIR.COM

No comments:

Post a Comment