STARCAST: Sorpresang Open Radio ng B.A.P! ‘Nasaan ka? Anong ginagawa mo?’

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/08/starcast-baps-surprise-open-radio-where.html

Sinasabi nila na ang buhay ay may di inaasahang sunod-sunod na kaganapan, kaya ito ay mas katangi-tangi at kapanabik-nabik. Nagulat ka ba sa di inaasahang sorpresang event ng B.A.P ay biglaang nag-umpisa?^^ Hindi ito karaniwang pagkakataon, pero ang B.A.P STARCAST channel ay hinanda na lumabas kung kailan hilingin ng BABY! Binabati namin kayo.


Narinig namin ang balitang interesado ang BABY kung nasaan ang 6 na miyembro ng B.A.P na mahirap makita, at kung ano ang ginagawa nila! Palihim naming hinanda ang kabanatang ito. Ang “Sorpresa” na Open Radio para sa BABY, at sa bahagi ng BABY ang tinatawag na, 'Nasaan ka? Anong ginagawa mo?'!
Inumpisahan ng grupo sa masusing pagsusuri kung paano ang daloy ng live broadcast, paano ipapakita ang screen sa mga fans, at paano mababasa ang mga mensahe ng mga fans pagdating nila sa eksena. Dahil madadama mo sa kanilang ekspresyon at boses, sabik na sabik at tuwang-tuwa rin ang B.A.P na makita ang BABY sa tagal ng panahon.




Lalo na na ang pagtitipon na ito ay ginawa sa gamit ng ‘global account’ dahil ang B.A.P ay pinahahalagahan di lang mga Korean BABY kundi pati na rin ang mga BABY sa ibang bansa. Tila ang saloobin ng grupo ay naipadala sa mga BABY, 110,000 na fans ang bumisita sa site at nakilahok sa B.A.P! Maraming salamat sa lahat♥



Sina Bang Yongguk at Jongup na ngayon ay sobrang magkahawig na para silang totoong magkapatid. Sila parehong kinuha ang papel ng espesyal na DJs na nagpasimuno ng live broadcast, ay nagpamalas ng ‘madulas na pag-MC’ at ‘kakaunting katatawanan’ na para silang mga ‘diyos’. ^^;  Karapat-dapat ba para  ‘maging sentro’ sa pagpasok sa matinding laban? \(‘▽’)/ Bibigyan namin ng limang bituwin ★★★★ na puno ng pagmamahal sa chemistry ng tambalang freestyle Bang Yongguk at tapat sa script Jongup.



Kahit na ‘pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan’ ng maraming beses sa isang linggo sa kanilang tirahan, ang oras na kasama ang BABY sa live broadcast ay mas espesyal. Ito ang larawan ni Daehyun na nagpapapahalaga sa matipid na bunsong si Zelo, at ni Zelo na maingat na manggagawa! Di natin ito mapalalampas, di ba?
Ang mga kasalukuyang kalagayan ni Daehyun na pinagmamalaki ang kaniyang sarili dahil ginugugol niya ang oras sa pagsiguro ng kaniyang panloob na katatagan sa pakikipagkilala sa mga musikero at panunuod ng mga konsiyerto, at ni Zelo na kumukuha ng magandang impluwensya sa pakikipagkilala sa mga bagong tao at pakikipagkaibigan, ay may pagkakatulad. Gusto namin silang tawagin bilang ‘roomate line’ dahil tila magandang pagtutugma.



May nagtatampong itsura si Himchan, power user ng ‘Instagram’ na trend ngayon, dahil nadama niyang di gusto ng mga fans sa pag-post niya ng ‘pagkain’ sa hatinggabi. Di mo ba alam na ang iyong selfies ang gustong makita ng BABYㅠㅠ…. Dahil andiyan pa ang kapuna-puna mong v-line, maaring ipakita mo ang power Himchan selfies sa Instagram. 8ㅅ8
Sinabi ni Youngjae, matinding nag-eehersisyo ngayon, na nabawasan siya ng timbang at may maganda nang pangagatawan, di ba? Dahil nag-krus siya ng kaniyang daliri kasama ni Kim 24, at nangakong hayagang ipapakita ang kaniyang charms sa STARCAST, inaasahan namin iyan.  (Kailan mo ipapakita ang iyong abs, Youngjae? ^^;)


Sumasabog ang interes ng BABY sa B.A.P dahil nagkomento sila ng higit pa sa 5,000 kahit na maikli ang oras na binigay. Tinipon namin ang mga madalas tanungin sa mga ito. May mga tanong na para sa buong grupo dahil pinahahalagahan at mahal ng BABY silang 6. Hindi namin kinalimutan ang kumon na ihanda ang mga tanong para sa lahat sa mga may pagka-dilaw na berde at puting katanungan, at ang mga tig-iisang tanong na napili ayon sa top 5 sa kani-kaniyang kulay ng MATOKI na katanungan. ‘ㅅ’)v


Pinaka interesado ang B.A.P tungkol sa kung saan interesado ang BABY. Hindi nila binuksan ang mga katanungan at naghintay hanggang mag-umpisa live broadcast sa pagsabing, “ang pagsagot sa katanungang pinili ng di sinasadya at biglaan ay isang charm”. Naalala mo ba ang mga piniling tanong ng mga miyembro sa pagtutok?


Taimtim na sumagot si Zelo. ♥_♥ (Nakakalungkot na may 3 na buwan na lang ang natitira sa kaniyang kabataan... ㅠㅠ) Pinahayag niya ang kaniyang pasasalamat na parang matanda, "Nakakapaglakbay kami sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa lubos na pagmamahal ng mga fans at lubos akong nagpapasalamat na nakakaranas ako ng maraming bagay". Umaasa kami na maitatanghal mo ang musikang naglalaman ng iyong estilo sa pag-aral at pagranas ng maraming bagay.
Pinili ni Daehyun na may papel ng 'honey' ng B.A.P (may matamis na boses, matamis na cute na charm, honey na selfie, at tamis ng 'Midsummer night') ang mga maririkit at matatamis na katanungan tulad niya. Ang mga BABY na high school seniors na malungkot na di mapapanood ito dahil sa pag-aaral sa gabi ay pinapanood ito? Sana ay sumaya kayo sa honey na cheers ni Daehyun



Dahil ito ang panahon para makasama ang BABY, tapat na walang pag-aalinlangan na lumahok ang B.A.P. Gustong malaman, makita at marinig nilang 6 na tagapagligtas ng BABY na B.A.P hanggang sa magpaalam matapos lahat ng mga serye.
Ano ang palagay ng BABY sa panahon na kinakabahan ang grupo dahil ito ang unang beses nila gawin ang ang live broadcast? Nagustuhan niyo ba?


Susuriin namin ang masasayang alaala ng live broadcast. Pakitignan ang replay ng sorpresang open radio ng 'Nasaan ka? Anong ginagawa mo?' ng B.A.P na ang parang honey na saya ay tiyak na maasahan! :-) Pinapasalamatan namin ang bawat isang global Baby na muling nakisama sa amin! Kita ulit tayo sa susunod!
[STARCAST] Replay ng <Nasaan ka? Anong ginagawa mo> ng B.A.P




Bonus! Huwag palagpasin ang sketch na naglalaman ng imahe ng  mga miyembro at video na nagpapahayag ng saloobin ng mga miyembro!


[STARCAST] Espesyal na video ng <Nasaan ka? Anong ginagawa mo> ng B.A.P
[Behind the Scene sa araw na ito]


Kabado si DJ Jongup simula pa ng pag-eensayo ng sinabi niyang ‘puputok ang dibdib ko’. Hindi mo mahahalata ang isip ni Jongup na puno ng pagkabahala dahil na-MC niya ang kwento ng kalmado at maaliwalas habang live broadcast, di ba? Dahil napasaya niya ang oras sa pagtawa ng malakas at pagkanta ng A capella, nakamit naming lahat. ㅠㅠㅠㅠ Magaling, ang husay mo! Turn up~ virus ni Jongup na ang nararamdaman ng bawat tao ay nagiging ‘up’!


Ang kahawig ni Youngjae na si Sally ay di nakawala sa matanglawing mata ni DJ Jongup. ^^; Ganoon rin ba ang tingin ng BABY?
‘A Midsummer night’s dream’ Sinabi ni Youngjae na makakatulog siyang masaya ngayong gabi kung nagsaya ang mga fans. Maaring managinip siya ng pinakamaganda at kaibig-ibig na panaginip sa gabing iyon. Tuparin natin ang mas mabuti at mas malaking pangarap nang sama-sama.


Nakikipagusap sa mata si Daehyun sa camera imbes na sa BABY habang nakasandal kay Zelo na nahihirapang pumirma sa lugar na kung saan sila nag-eensayo bago ang live broadcast.
Hoy, Daehyun… Mahirap kung bigla at madalas kang aasal ng maganda. Parurusahan ka namin para sa nagniningning mong mata. Iyan ba ang asal na nagdudulot ng freak accident sa lugar na ito?


Sinabit ni Zelo ang manika sa tenga niya na parang hikaw na parang nagustuhan niya ang regalo. Siya talaga ang pinakabata sa kaniyang pinapakitang di sadyang cute na asal. Mahiyaing ngumiti si Zelo na pagsagot na di niya masabi lahat ng gusto niyang sabihin sa BABY sa tanong na kumusta ang live broadcast. Naniniwala kami na iyong mabuting saloobin ay maihahatid sa iyong mga fans kahit na di mo ito sabihin. ^^ Ipahayag mo ang lahat ng iyong kwento sa live broadcast na puno ng kwento ni Zelo sa hinaharap~


Pan (*tinapay) Bang Yongguk at DJ Bbang (*tinapay sa Korean) na paboritong tinapay ng BABY. ‘ㅅ’)♥ Kalmado na may pagkalabiro siyang nag-MC ng live broadcast na di mapapasama kung magiging tunay na radio DJ siya. Nagpakita siya ng kumon sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa bersyon ng DJing matapos palihim na bulungan si Jongup bago magsimula ng live broadcast. Matalino pa rin siya at kaaya-ayang makita dahil matagal na rin ng huling pagkikita.


Pero.... Hindi ka aalis sa page na ito para lang makita ito di ba? .... Kaya, Hindi- Hindi-
Huwag palagpasin ang espesyal na regalo na inihanda ng B.A.P sa pag-iwan ng komento tungkol sa pagpapahalaga! :-)

[STARCAST Event ng B.A.P]



Ang mga ito ay mga unan ng karakter ng LINE na kasama ng B.A.P (nakasulat ng ganiyan pero mababasa ito nang, 'na nakakuha ng pagmamahal ng B.A.P) habang live broadcast. Interesado ka ba kung paano ito makukuha? Pipili at ibibigay namin ito sa 2 na taong mag-iiwan ng komento ng pagpapahalaga sa live broadcast ng sorpresang open radio, 'Nasaan ka? Anong ginagawa mo?' ng B.A.P.


Naghanda ang B.A.P ng isa pang espesyal na regalo bilang pasasalamat sa pagmamahal at interes mula sa higit pang 110,000 na tao. Ito ay kard na may espesyal na mensahe ng B.A.P sa BABY na may isa-isang pirma ng bawat miyembro. Pinapakita ni Youngjae at Zelo ang maliit na bahagi nito~ Mamimili rin at ipapamahagi namin ang mga ito sa 6 na taong nag-iwan ng mga komento ng pagpapahalaga sa live broadcast. ^^

©NAVER STARCAST, TSENTERTAINMENT | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment