Panayam sa B.A.P para sa Rankingbox: Unang Bahagi

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/bap-interview-for-rankingbox-part-1.html

UNANG BAHAGI

Gusto naming baguhin ang mundo sa pamamagitan ng musika! Ang layunin ng B.A.P

Q: Ito ang unang beses niyo sa “Ranking Box”, so maaari niyo bang sabihin ang bawat charming poing ng mga miyembro?

Daehyun: Si Zelo ang maknae ng B.A.P. Sa aming lahat, siya ang pinaka puro. Isa siyang cute at mabuting tao.
Zelo: Si Yongguk-hyung ang pinuno ng grupo namin. Madalas siyang tahimik, at nagsasalita lamang siya pag kinakailangan.
Yongguk: Si Youngjae ay isa sa main vocalist ng grupo kasama si Daehyun. Talagang mabait siya at napapasaya ang lahat.
Youngjae: Si Himchan ay isa sa pinakamatanda sa grupo kasama si Yongguk. Dahil sa impluwensiya ni Yongguk sa kaniya, umaarte siya bilang isang nakatatanda, pero talagang makulit siya. Siya ang aming mood maker.
Himchan: Ang katawan ni Jongup ay hulmang hulma na para sa kaniyang edad, astig ung mga muscles niya. Medyo inosente siya kaya nakakapag-paalala minsan, pero un ang personalidad niya at may creativity na talagang maganda.
Jongup: Si Daehyun-hyung ay ang aming main vocalist kasama ni Youngjae. Siya ang bahala sa aming mga high notes, kaya talagang ginagawa niya iyon para sa amin, astig siya.


Q: Ung paraan para maabot niyo ang layunin niyo, iniiba niyo ba pag nasa Korea kayo o nasa Japan kayo?
Yongguk: Tulad ng sinasabi sa pangalan ng aming grupo, nilalayon namin ang Best, Absolute, Perfect na entablado. Gusto rin namin baguhin ang mundo sa pamamagitan ng musika. Siyempre, naninirahan tayo sa isang magandang mundo ngayon pero gusto naming tumulong para panatilihin ito.

Q: Nagdebut kayo sa Japan noong Oktubre ng nakaraang taon, at nanalo ng 2 parangal sa 28th Japan Golden Disc awards. Ano ang pakiramdam na manalo ng mga parangal sa labas ng inyong bansa?
Himchan: Isang karangalan na makakuha ng mga parangal. Nakakapanghinayang na hindi kami nakaattend sa mga awards na iyon, pero talagang nasisiyahan kami na tanggapin ang mga parangal na iyon. Mula ngayon, gusto naming palaging ibigay ang lahat ng aming makakaya sa aming promosyon sa Japan at makapagpakita ng magandang imahe.

Q: Nagkaroon din kayo ng arena tour, pero para makapuno ng mga venues ng libo-libong mga tao pagkatapos na pagkatapos lamang ng debut ay talagang kahanga-hanga. Ano ang pakiramdam  nang mayroong maraming mga tagahanga?
Youngjae: Nag-improve kami sa pamamagitan ng aming arena tour nung nakaraang taon, at nakakatuwang sabihin na nakatulong ito sa aming paglaki. Hanggang sa ngayon, ito ang pinakamalaking tour na aming nagawa, kaya naming gumawa  ng mga bagay na hindi namin kayang gawin noon at magawa ang mga bagay na gusto namin.  Sa pamamagitan ng paggamit ng mga karanasang ito, nakakakuha kami ng mga totoong feedback nung mga panahong iyon, at maaari naming mas pagandahin ang susunod naming tour.
Himchan: Maraming tao ang pumunta para makita kami, kaya sa susunod susubukan naming magkaroon ng komunikasyon sa lahat.


Q: Anong pagtatanghal ang nag-iwan ng pinakamatinding impresyon sa inyo?
Himchan: Syempre ang bawat performance ay mayroong magandang punto at nag-iiwan ng mga memorya sa amin, pero sa tingin namin ung pagtatanghal namin sa Tokyo's Yoyogi First National Gymnasium kung saan ginawa ko ung "one man" performance ('Rainy Day' monologue ni Himchan) sa pinakamalaking venue sa aming tour ay talagang nakapag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa akin. Ang mga konsiyerto ay ung mga oras para makita ang mga fans kaya palagi itong masaya.

Q: Sa kasalukuhyan, mayroon kayong mga fan meeting at nagtanghal sa mga TV events (PON! Spring Festival), mukhang sanay na kayo sa pagpopromote sa Japan, paano nag-iba ang inyong pakiramdam bago nung inyong debut sa Japan hanggang ngayon?
Daehyun: Bago magdebut sa Japan, palagi kaming excited para makita ang mga Japanese fans, sa pamamagitan ng aming debut sa tingin namin kaya namin ipakita ang mga imahe namin sa fans at iniisip namin kung ano ang aming mga gagawin. Bago pumunta sa Japan, nag-aral kami ng Japanese para makausap namin ang lahat.

Q:Habang nasa Japan kayo, pumunta ba kayo sa isang lugar mag-isa?
Daehyun: Hindi kami umalis nang hindi nagpapaalam.
Himchan: Puno ang schedule namin. (laughs)
Youngjae: Sa panahong ito na nasa Japan kami, kaunti lang ang oras namin kaya naglalaro kami ng futsal (indoor soccer) kasama ng staff. Mayroon ding mga lugar kung saan kumakain kami ng ramen malapit sa hotel namin kaya kumakain kami doon sa ramen.
Daehyun: Busy kami araw-araw, pero palagi kaming inaalala ng Japanese staff. Hindi lang futsa, pero naglalaro rin kami ng table tennis, at dinala kami sa mga lugar para kumain. Kaya pag nasa Japan kami, nasisiyahan kami.

 © rankingbox | Translation  © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment