Ang mga Kabanata ng “No Mercy” ng B.A.P para sa Hallyu Pia

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/bap-no-mercy-episodes-for-hallyu-pia.html

©ure.pia.co.jp

Q: Noong ika-2 ng Abril, ang ikatlong Japanese single niyo na "No Mercy" ay inilabas!
HC: Isa iyong kanta na puno ng ego at lakas ng loob, kayang ipaliwanag ni Jongup ang appeal ng kantang ito.
JU: Oo. Isa itong kanta na pinaghalo ang Hip-Hop at tradisyunal na musika ng Korea. May kakaibang appeal ito sa kung anuman ang mga ginagawa ng B.A.P hanggang ngayon.
YG: Isa itong Japanese version ng inilabas sa Korea. Sa tingin ko ung liriko namin at ang aming mga pananaw ay naipahiwatig naman ng maayos, ano sa tingin niyo?

©ure.pia.co.jp

Q: Nakikita si Jongup na mas nagfi-freestyle sa kantang ito.
HC: Dahil si Jongup ay “Freestyle” araw-araw. (laughs)JU: Haha, totoo iyan. (laughs) Dahil ang sayaw sa kantang ito ay freestyle, akmang-akma ito sa mga elemento ng Hip Hop, diba? Ung dance break ng grupo...Ah, ako ung main dancer kaya wala akong masasabi. (laughs) Ang isang bagay na dapat mapanood sa kantang ito ay yung dance break na isinasayaw sa saliw ng tradisyunal musika.
Q: Nag-aral si Himchan ng tradisyunal na musika. Ang dance break na ito ay gumagamit ng "Salunori" music, hindi ba?
HC: Ang "Salunori" ay isang musikang tradisyunal sa Korea. Sa music video, may mga tradisyunal na instrumentong makikita, pero narinig ko rin na mayroon ding Japanese Taiko drums! Isa rin yun sa mga dapat abangan.


©ure.pia.co.jp

Q: Sa liriko, may line na "Shigeki motto" [T/N: “I-Inspire mo ako”]. Anong klaseng pang-aakit ang gusto niyong ipakita?
HC:
Parte ko yun! (sings) "Shigeki motto~" Higit sa pampapasigla, gusto ko magpakita ng parang paglunas. Ang pagpunta sa isang trip ay maganda din. Gusto kong subukang pumunta sa Tokyo ng mag-isa.
Q: Ang Tokyo ay isang siyudad na nagpapasigla.
HC: Totoo yan. (laughs)JU: Para sa akin, gusto kong sumubok ng isang bagay na bago, isang karanasan na iba sa araw-araw, ung nakaka-inspire. YJ: Drive, huh~ Pinapaandar namin ang isa’t isa, ang bawat indibidwal na talento namin.DH: Nakakakuha ako ng motivation sa pagpunta sa mga concerts na ginagawa ng mga artists na gusto ko. Bruno Mars, Beyonce, Brian McKnight, gusto kong pumunta sa mga concerts ng mga taong hinahangaan ko. YJ: May mga singers na magaling sa pagkanta, magaling na manananghal, ang mga tao ay may iba-ibang kalakasan. Kaya ang panonood sa mga artists ay nakakasigla. ZL: Nakatalaga ako sa pagsayaw, pero sa mga concerts di lang ako nakatutok sa pagsasayaw, nakakakuha ako ng inspirasyon sa mga costumes at sa mga kanta din. Ngayon, nasa gitna ako sa pag-iimprove para sa paglaki ko.YG: Naninirahan tayo sa mundong ito, pero mula sa kalawakan, mukhang maliit lang itong planetang ito. Ang mga tao ay naninirahan bilang mga masters sa planetang ito, pero maaaring mayroong mga aliens. Kaya sa tingin ko, “Kailangan naming protektahan ang planetang ito!” Iyon ang nakakapagpasigla sa akin.

Q: You're thinking about some difficult things...
YJ: Ganito palagi si Yongguk-hyung.B.A.P: Oo. (Laughing)


©ure.pia.co.jp

Q: Sa "No Mercy", ung parang linyang "Say and do it with a bang!" May episode ba sa “No Mercy" na para sa bawat isa sa inyo?
YJ:
Magkakaroon kami ng problema sa isa’t isa, kaya sa kasalukuyan sinusubukan naming hindi “mag-usap tungkol sa mga miyembro”, kaya kahit madumi ang dorm, di kami nagsasalita...
Q: Sino ang nagkakalat?
ZL: Huhuhu (laughing sound)YJ: Di ko sasabihin kung sino. Dahil sa totoo, kaming lahat (laughs).DH: Si Youngjae, diba! Pag pumupunta kami sa ibang bansa, kasama ko siya sa isang kwarto, pero gusto ko siyang maglinis ng kahit kaunti kaya palagi ko siyang pinagsasabihan. Para bang “Ito ay isang kwarto ng lalaki!” at hindi ko iyon mapapatawad. YG: Suko na ko (laughs)JU: Para makapamuhay ng malaya kasama ang mga hyungs, wala ang "No Mercy." Siguro sa mga panahon na sinasabi ung “WAG NIYONG GAWIN YAN”, sa tingin ko.HC: Oi oi~ [Hey hey], Mayroon akong "No Mercy" sa ugali na yan Jongup.JU: Tingnan niyo. "No Mercy" sa mga panahong ganito (laughs)

©ure.pia.co.jp

Q: Nagkaroon kayo ng mga Fanmeeting sa Japan noong March 29~31 sa Sendai, Osaka at Tokyo. Itinanghalniyo ang “No Mercy” doon, kamusta ang reaksyon ng mga fans?
ZL:
Iyon ung una naming even sa Japan simula nung Warrior Begins tour namin, pero talagang excited sila!YJ: Iyon ang unang beses namin na iperform ang Japanese version ng "No Mercy," para bang masaya talaga sila. Ito ay isang kantang sikat sa lahat ng mga fans namin. HC: Sa March 31 sa Tokyo fanmeeting, huli naming kinanta ang "No Mercy" at aalis na dapat kami sa entablado pagtapos nun, pero ung “No No No” ay talagang napakalakas, kaya gumawa pa kami ng extra encore at kinanta ulit iyon. Ipinagdiwang din ng fans ang birthday ni Yongguk, kaya talagang nasiglahan ang lahat.
 
Q: Yongguk, ipinagdiwang ba ng mga miyembro ang kaarawan mo?
YG:
Nagkaroon kami ng simpleng pagdiriwang na kasama lang ang mga miyembro.

©ure.pia.co.jp

Q: Ano ang inyong mga layunin para sa inyong promosyon sa Japan mula sa puntong ito?
YJ:
Pinag-usapan namin iyon noong arena tour namin, pero gusto naming gawin ang best namin at maging mga artists na kayang gumawa ng mga concerts sa Tokyo Dome.
ZL:
Nag-aalala ako kung "Isa ba kaming grupo na kayang magawa iyon?" pero kahit na ganoon, ang Tokyo Dome pa rin ang aming inaabot.
YG:
Hindi siya isang layunin, pero sa tingin ko mahalaga na gawin namin ito bilang anim na miyembro ng B.A.P.
 
©ure.pia.co.jp

Translation © Nicole @ BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment