B.A.P sa K-STAR Lovers (131029)

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessirfansite.com/2013/10/bap-on-k-star-lovers-131029.html


Host: Ito po ang host ng K-star lover ng Josei Jishin channel, Tahara. Ngayon ay narito ang pinakamatibay na boy group ng Asia. B.A.P na naparito ngayon! Ngayong araw, yoroshiku onegai shimasu! (T/N: walang direktang pagsasalin pero sa konteksto: Umaasa ako sayo/Umaasa akong maatrabaho kayo!)
B.A.P: Yoroshiku onegai shimasu!
Subtitle: Panauhin sa araw na ito, B.A.P
Zelo: Kinagagalak ko kayong makilala, ako ang pinakabatang miyembro at nakaatas sa rap, Zelo.
Yongguk: Kinagagalak ko kayong makilala, ako ang pinuno ng B.A.P, Bang
Youngjae: Kinagagalak ko kayong makilala, ako ang main vocalist ng B.A.P, Youngjae
Daehyun: Kinagagalak ko kayong makilala, nakaatas sa main vocal, ako si Daehyun.
Jongup: Kinagagalak ko kayong makilala, nakaatas sa vocals and dance, ako si Jongup.
Himchan: Kinagagalak ko kayong makilala, nakaatas sa vocals, Himchan.
Q: Ano ang papel mo sa dorm?
Himchan Ang papel ko sa B.A.P ay ikemen (T/N: gwapong lalaki)
Daehyun Seryoso?
Himchan: Seryoso.
Youngjae: Maliban kay Himchan, may mga bagay na nakaatas sa amin dati, pero wala kami nito ngayon
Q2: Bagay na pinaka mahusay ka?
Himchan: Cool ako di ba?
...
Argh, pasensya.
Oo, dahil ako ay ikemen. Ang mukha ko ay...
Daehyun: Pinaka cool?
Himchan: Pinaka cool.
Jongup: Sa akin, higit sa lahat, ako ang pinaka mahusay maghugas ng mga bagay. Maghugas ng mga bagay na maganda.
Daehyun: Sa B.A.P, ako ang pinaka mahusay sa matataas na nota
Youngjae: Sa B.A.P, ako ang pinaka bata ang mukha.
Himchan (sa bg) at
Daehyun:
Pinaka batang mukha?
Youngjae: Parang (kumpletong) pinaka (batang muka)
Yongguk: Sa B.A.P, ako ang pinaka matanda ang mukha
Boses sa bg/
Himchan:
Talaga?
Yongguk: Kapareho ka lang, alam mo yun!
Zelo: Dahil ako ang pinaka bata sa B.A.P, ako ang may pinaka maliwanag ang kinabukasan, kaya lahat ang tingin sa akin ay cute.
Q: Bahagi na pinaka sumibol sa inyo
Yongguk: Ang bahaging pinaka sumibol sa amin, sa palagay ko, ay ang mas pagiging maraya habang nasa entablado, at pati ang makipag-usap sa aming mga tagahanga. Sa tingin ko ay lumaki kami sa pagiging natural sa paggawa ng mga bagay na ito. Bukod sa mga pansariling abilidad, ang mga miyembro ay nagkaroon ng panloob na paglago. Sa tingin ko, kami ay naging matanda.
Q: Mga puntos sa pakikinig sa mga bagong kanta "ONE SHOT" at "WARRIOR"
Yongguk: Tungkol sa WARRIOR: ang kantang ito ay nagpapakita sa aming musikal na kulay. Ito ay kantang madalas lumabas. Gusto namin na maraming tao ang makakita nito. Sa tingin ko na gusto naming ipaalam sa mga tao ang direksyon na gusto naming makamit sa aming musika. Sa pangalawang single, ONE SHOT: sa ating buhay, may mga taong tumakbo palayo sa iba't ibang pagkakataon, pero ang di pagtakbo sa mga pagkakataong ito at patuloy na mamuhay, ganito ang uri ng kantang ito. Gusto naming mapakinggan ng lahat ang kantang ito, at tignan ang kanilang sariling buhay.
Q: Saloobin sa Japan tour
Daehyun: Ngayon, sa the arena tour magpapakita kami ng ibang bahagi ng aming mga sarili kesa dati. Ang laki ng saklaw, at gusto naming magpakita ng perpekto na paglabas. Kung kaya, sa entablado na ito at ay gusto naming kumanta sa Nihongo. Sana ay abanagan ng lahat.
Q: Mensahe para sa mga Hapon na tagahanga
Zelo: Sa tingin ko ay di ko kailangan ng mahabang talumpati kaya sa isang salita: Mahal ko kayo
Yongguk: Lahat sa Japan, hindi ako pala-salita.
Wag niyo ko intindihin.
Salamat.
Youngjae: Lahat sa Japan, sa arena tour na ito, gusto naming magkaroon ng kamangha-manghang konsyerto kaya sana ay pumunta kayo. Salamat!
Daehyun: Lahat sa Japan, gusto ko na kayong makita. Mahal ko kayo!
Youngjae
(sa bg):
Hahanapin namin kayo!
Jongup: Sa tingin ko kung pupunta kayo sa aming konsyerto, maiintindihan niyo kung ano ang B.A.P, at sana ay marami ang pumunta para panuorin kami at makatanggap kami ng lubos na pagmamahal. Salamat!
Himchan: Lahat sa Japan... May tour kami at marami pang ibang bagay, kaya gawa tayo ng magagandang alaala. Talagang nagsasaya kami. Mahal namin kayo.
Host: Maraming salamat ngayon! Nakita talaga natin ang bagong era ng Kpop. Lahat, sana ay panuorin niyo ang pagsayaw ng B.A.P. Kayo ay tiyak na mamangha!
Nakasama natin ngayon ang B.A.P, maraming salamat!
B.A.P: Salamat!
Daehyun: Kita kits!

©bapyessir.com | ©bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment