B.A.P sa Hapon na F to F Magasin Dis. Isyu


HUWAG alisin ang aming watermark, at kung ibabahagi ang aming scans DAPAT ay kilalanin ang bapyessir.com


Admin note: Ang Kabanata 1 ng panayaman na ito ay inulit ang karamihan ng sinabi ng B.A.P sa halos bawat ibang panayam tungkol sa kanilang pakiramdam sa kanilang Japan deput, pag-rekod sa Nihongo, arena tour, atpb., kaya hindi na ito isasalin. Pakitignan ang iba panaming sinalin sa Archives - 2013 Interview & Magazine.

Kabanata 2 - Pribadaong Pag-uusap ng B.A.P

T: Ano sa tingin mo ang pinaka maapela mong puntos?

Yongguk: Sa akin, siguradong ang musika.
Daehyun: Bagay na mahusay ako, syempre pagkanta!
Youngjae: Ako rin, ako ang main vocal, kaya pagkanta.
Jongup: Ang aking matatag na katangian (tawa).
Himchan: Masayang tinatanggap ang bagong hamong ang akin!
Zelo: Ako ang pinaka batang miyembro, kaya Cuteness ng Pinaka batang Miyembro!

T: Anong estilo ng fashion ang gusto mo?

Yongguk: Gusto ko ang street fashion. Pero sa totoo lang, di talaga ako nagpapahalaga tungkol sa mga damit na madalas kong suot (tawa).
Himchan: Meron talaga akong interes sa fashion. Ngayon, mahilig ako sa simpleng, English fashion. Lalo na ang pag pag-aayos ng mga chaketa at mga baro na sinusuot ko.
Daehyun: Gusto ko ang madaling estilo ng fashion. Madalas, Mahilig ako magsuot ng mga "matikas" na estilo ng pananamit.
Jongup: Ang mga pribado kong damit ay lahat estilong hip-hop!
Zelo: Di ko makapili ng iisang esitlong gusto ko, mahilig akong paghaluin ang magkakaibang bagay

T: Sino ang tahimik na tipo?

Youngjae: Medyo tahimik ako, kapag unang beses ako makakilala ng tao medyo nahihiya ako, kaya masaya ako kapag lumalapit ang mga tao sa akin!
Jongup: Parehas ko! Mga tagahanga, lumapit kayo sa amin!
Zelo: Ako rin! Hahaha!

T: Kapag nananatili kayo sa mga hotel, ano ang madalas niyong ginagawa?

Daehyun: Nanunuod ng TV, tumitingin ng madaming bagay sa iPad.
Youngjae: Ngayon lang, sa inpluwensya ni Yongguk, lahat ay sumusubok na magbasa ng mga dyaryo at mga libro.

T: Habang kayo ay bata pa, ano ang gusto mong gawin?

Yongguk: Gusto kong maglakbay sa buong mundo, magsusulat ng kanta sa bawat bansang bibisitahin ko.
Himchan: Gusto ko ring maglakbay sa buong mundo.
Daehyun: Mahal ko ang aking lola, kaya gusto ko subukang maglakbay kasama siya at ang aking pamilya.
Youngjae: Gusto kong lumabas kasama ang aking kapatid na lalaki at tatay! Nakatira ang kapatid ko sa ibang bansa kaya di ko siya laging nakikita.
Jongup: Kahit sa maikling pagkakataon, gusto kong subukang tumira sa America.
Zelo: Gusti kong subukang maglabas ng solo album.

T: Ano ang naggaganyak ("nagpapasigla") sayo?

Yongguk: Syempre, musika!
Himchan: Para sa akin, fashion.
Daehyun: Lagi akong nakakakuha ng mabuting pagganyak mula sa aming mga tagahanga.
Youngjae: Ang sarili kong pagtatanghal. Kapag nasiyahan ako sa pagtatanghal, nagkakaroon ako ng labis na lakas!
Jongup: Pagtatanghal bilang B.A.P
Zelo: Nakakakuha ako ng labis na pagganyak sa mga pagpuri, tingin ko gusto kong magsumikap!

© bapyessir.com #Nicole (English) | bapyessir.com #Bernz (Filipino)























©bapyessir.com





Ang teksto sa mga pahinang ito ay tinalakay lang ang panayam at paglabas ng B.A.P sa MTV The Show

©bapyessir.com #Nicole




Ang tweet na ito ay tungkol sa pagkakaroon ng paglabas ang B.A.P sa Pon! Pero madaming tao ang hindi ito nasubaybayan, kaya pinapakiusap na sumamang patibukin ang mga puso sa pagtingin sa larawang ito.





©Fujisan | bapyessir.com

No comments:

Post a Comment