B.A.P sa MTV Sessions Singapore

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/09/bap-at-mtvsessions-in-singapore-140911.html



Q. Kilala bilang Best, Absolute, Perfect, ano ang ilan sa inyong mga hindi gaanong perpektong sandali?
Daehyun: Nag-debut kaming may malakas na imahe, pero mga kanta kaming cute at mellow na tulad ng ‘Crash’. Medyo nahiya kami dahil iba ito sa mga nagawa namin

Q. Jongup, saan mo nakuha ang inspirasyon sa pagsulat ng kanta?
Jongup: Sa totoo lang, si Yongguk hyung ang nagsusulat ng kanta, at nasa hakbang pa rin ako ng pag-aaral kaya wala akong inspirasyon sa sandaling ito

Q. Ilang beses nang bumisita ang B.A.P sa Singapore. Anong bagay ang patuloy na nagpapabalik sa inyo?
Singapore ang pinaka unang bansang pinagtanghalan namin sa labas ng Korea, gusto rin namin ang reaksyon at pagmamahal na nakukuha namin mula sa mga fans pag kami ay narito

Q. Ano ang ilan sa pagsubok na hinagarap niyo bilang bagong grupo?
Youngjae: Mahigpit ang aming schedule para sa mga promosyon sa kinakailangan naming magtanghal sa mga music show halos araw-araw. Kaya napakahirap para sa amin noong simula.

Q. Ano ang pagkakaiba sa promosyon sa Korea at Japan?
Himchan: Ang pagkakaiba ay madamdamin at masigla sila pag nagtatanghal kami; pero sa Japan fans, mas nakikinig sila sa amin, walang masyadong reaksyon kumpara. Paunti-unti, nagiging mas aktibo sila at gusto naming ang pagbabago. Gusto rin naming kapag nakikita naming winawagayway ng mga fans ang among Matoki lightsticks!

Q. Sa pagtatanghal sa maraming palabas at konsyerto, meron bang mga di malimutang stage para sa inyo?
Daehyun: Bawat isang stage na pinagtanghalan namin ay di malilimutan, pero nang bumisita kami sa Europe sa kauna-unahang pagkakataon, talagang di malilimutang karanasan dahil unang beses at di pa kami nagkakaroon ng ganitong karanasan.

Q. Ano ang ibig sabihin ng B.A.P para sa iyo?
Youngjae: Bilang B.A.P sa 2 na taon, mas naging isa kaming pamilya kesa magkakaibigan o kagrupo. Sa paglipas ng panahon, inaasahan naming mas maging malapit tulad ng isang pamilya.

Q. Ano ang gusto mong sabihin sa mga fans na di makakarating sa live recording?
Jongup: Itong programa ay maipapalabas sa TV para mapanood ng mga fans. Marami rin kaming hinanda para sa palabas na ito at magpapamalas ng isang cool at karismatikong stage para sa inyo. Fighting!

Q. Maari ba kayong magbahagi ng magandang bagay ng bawat isa?
Jongup: Gusto ko si Himchan hyung, napaka pala-kaibigan niya. Ang di ko gusto sa kaniya, minsan masyado siyang labis-labis ng lahat ng bagay; kung hindi naman, perpekto na siya!

Q. Bilang isang idol ng 2 na taon, ano ang mga bagay na inaasam mo bilang isang ordinaryong mamayan?
Daehyun: Madaming bagay na medaling gawin bago ang debut, tulad ng shopping at gawin ang gusto naming gawin. Iyon ang mga talagang inaasam naming gawin ngayon.

Q. Ano ang mga masamng kinaugalian ng iyong mga kagrupo?
Jongup: Katabi kong matulog si Himchan hyung sa dorm, at ang likot niya matulog at madalas ay lumalagpas siya sa bahagi ko
Himchan: Ganoon din si Jongup. Madalas din siyang pumupunta sa bahagi ko. May mga pagkakataong natutulog ako sa bahagi niya, at natutulog siya sa bahagi ko.

Q. Yongguk, ano ang pinaka taimtim na kanta ang nasulat at nagawa mo?
Bang Yongguk: Lahat ng kantang nagawa ko ay taimtim na kanta, pero siguro ang mga kantang may kaakibat na isyung political

Q. May pagkakaiba ba sa B.A.P on stage at off stage?
Kapag kami ay nasa off stage, masigla at natural lang, bilang ordinaryong tao. Pero off stage, pinapakita namin ang malakas na imahe, tulad ng isang propesyonal.

Q. Sa susunod na album, may mga genre bang nais niyong subukan?
Himchan: Gusto naming sumubok ng mga kantang tulad ng kanta naming ‘Excuse Me’. Mga kantang may trendy vibe.

Q. Ano ang mga tutunan niyo bilang idol sa 2 na taon?
Daehyun: Sa 2 na taon simula ng debut, nakakilala kami ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang industriya, kaya marami kaming natutunan, at namuhay kami ng mas mabuting paraan.

Q. Paano nabuo ang mga cute na SNS ID?
Himchan: Meron akong ate kaya pinagkakatuwan naming ang sarili naming mga pangalan; dahil ang pangalan niya ang Yejin, tinatawag namin siyang Yejin Yejin. At ako ay Himchan, kaya tinatawag akong Himchan Chan, Himchan Himchan, at Strongchan chan! (*Himchan = Strong sa Korean)

Q. Ano ang pinakamagandang payo ang natanggap mo?
Himchan: May nagpayong panatilihin ang aming pagsasama sa mahabang panahon. At sa aming mga kagrupo. Panatilihin itong masigla at pangmatagalan.

Q. Ano ang saloobon niyo sa Lipsync Ban sa isang Broadcasting Company?
Daehyun: Siguro may dahilan para dito, sa kabila nito, bilang isang vocal group, gusto naming patuloy na kumanta ng live para sa mga fans dahil ito ang pinaka mabisang paraan na ipahayag ang aming kalooban. Kaya lagging kakanta ng live ang B.A.P sa karamihan ng aming mga stage.

Q. Yongguk, ano ang tingin mo sa pagsusulat ng kanta ni Jongup?
Bang Yongguk: Hindi ko pa talaga napapakinggan ang mga kanta niya. Gusto ko ring marinig ang mga gawang kanta ng iba dahil mapupuri at mabibigyan naming ng payo ang isa’t isa.
Youngjae: Nagsulat lang si Jongup ng 8 na bar ng kanta, at din g buong kantaat pinaulit-ulit lang ang 8 na bar.

© KAvenyou | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment