B.A.P ‘1004’ sa KBS World Backstage Chat

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/03/bap-1004-on-kbs-world-backstage-chat.html



Yongguk: Sa mga tagapakinig ng KBS World Radio
B.A.P: Hello, kami ang B.A.P yessir! Kinagagalak naming makita kayo.
Q: Maaring ipakilala niyo kami sa inyong album?
Yongguk: Ang aming unang album na First Sensibility ay isang full length album na puno ng 13 na sensibilidad sa mga kantang na ginagawa namin hanggang ngayon. At ang title song na ‘1004’ ay kanta na nagpapahayag ng pakiramdam ng isang lalaki na nawala ang babaeng mahal niya. Pinaghandaan namin ang concert tour para sa album kaya sana ay abangan niyo ito.
Daehyun: Nagmamakaawa kaming gawin niyo iyon.
Himchan: Ang tanong na ito ay galing kay Vemy Suryo Qushayyi mula sa Indonesia: Sabihin niyo sa amin ang kanta na mas pinahahalagan ng bawat miyembro sa album na ito. Umpisa tayo kay Daehyun at tapos iyong ibang miyembro.
Daehyun: Para sa akin, ang kanta na ginawa natin na puno ng pag-aagam-agam, ‘1004’ ang tumama.
Yongguk: Gustong gusto ko ang rock song na ‘BANG X2’.
Youngjae: Ang kantang ‘SPY’. Ito ang kinakanta natin ngayon sa promosyon na ito, at tingin ko nakakatawa at kaaya-ayang kantang itanghal sa konsyerto kaya gusto ko ang kantang ‘SPY’.
Himchan: Sa huli ako, ang kantang ‘With You’ na huling track sa aming album, at gustong gusto ko ito kasi ito ay kantang tumatawag sa puso ng isang tao, at maganda ang tono pag sumasabay kumakanta ang aming mga tagahanga.

Himchan: Ang tanong na ito ay galing kay Le Kim Dung mula sa Vietnam: Ang pinunong si Yongguk ang nagsulat ng halos lahat ng kanta ng album, ano ang nararamdaman mo tungkol dito?
Yongguk: Konsepto ang pinaka importanteng bagay habang ginagawa ang full-length album. Sa pagkakataong ito, ginawa namin ang aming mga kanta at mga konsepto na hindi pa namin nagagawa. Isa itong hamon para sa B.A.P, kaya di kami pagod o ano man. At ang paglikha ng bago ay masaya, kaya naiisip kong magpakita rin ng bagong hamon na hindi pa namin nasusubukan para sa susunod na album.
[Aabangan namin ang susunod na album~]
Himchan: Ang tanong na ito ay galing kay Raquel mula sa Spain: Maraming pagkakataon para sa tagahanga ng Europe na makita ang B.A.P. May pagkakataon bang magkaroon ng konsyerto sa Europe, lalo na sa Spain? Sino ang miyembrong may malaking popularidad sa ibang rehiyon maliban sa Asia?
Youngjae: Sa tingin ko ang B.A.P ay makakapunta sa Europe dahil sa concert tour. Pero walang detalye kung anong rehiyon ang aming pupuntahan. Kung maari, gusto naming pumunta rin sa Spain para magkaroon ng konsyerto. At ang miyembro na may malaking popularidad sa ibang rehiyon maliban sa Asia, sa tingin ko si Jongup.
Himchan: Dahil pag sumasayaw siya, napaka sexy niya. Kung nakita niyo na katawan niya, hindi niyo siya matatalo. [Importante ang aking katawan] At ang mga tao sa Europe at Japan, ang mga tao doon ay talagang mahilig sa mga lalaking sexy ang pangangatawan. Ang mukha niya rin ay kagandahan ng kawalan?
Daehyun: Saan siya walang laman?
Himchan: Meron siyang gwapong mukha, pati sexy.
Youngjae: Kung makikita niyo sa ng personal, mararamdaman niyo ang kaniyang charm, at dahil pupunta kaming Europe at USA, maaring mahulog kayo sa kaniya.
[Ang mga miyembro ay nahuhulog rin sa charm ni Jongup~]
Himchan: Pati ako di makatakas sa charm ni Jongup.
Himchan: Ang tanong na ito ay galing kay Azuwit Gani mula sa Indonesia: Ano ang naguudyok sa inyo tuwing mahirap na panahon, o pagod kayo?
Youngjae: Personal kong naiisip na nakakatanggap kami ng lakas at halaga sa mga konsyerto.
Yongguk: Ang tanong na ito ay galing kali Selma Bouker, Yuri Khun, Emy Shilil Emna, [Si Yongguk ay nagkakaroon ng problema sa pagbigkas sa pangalan ng mga banyaga!] Kenza Abid, Fatima atbp mula sa Arab: Alam niyo bang may BABY fanclub sa Tunisia? May pagkakataon bang makapunta kayong Tunisia? Ano sa tingin niya sa pagpapakasal sa isang babaeng Arabian?
Himchan: Ang hirap ng tanong na ito.
Youngjae: Alam kong may BABY fanclub sa Tunisia. Dahil nagkikita sila at kumukuha ng larawan na pinadadala sa amin. [Ang paghalinhinan ng mga tagahanga sa iba’t ibang mundo at B.A.P, salamat sa SNS.] May pagkakataon bang pumunta sa Tunisia?
Jongup: Pupunta ako, kung may pagkakataong pumunta.
Youngjae: Ano sa tingin niya sa pagpapakasal sa isang babaeng Arabian?
Himchan: Open minded ako.
Daehyun: Komunikasyon lang ang kailangan. Walang problema.
Himchan: Tama kung makakapag-usap kami. Mararamdaman ko iyon sa pagtingin lang sa mata.
Daehyun: Tumingin ka nga sa mata ko.
Himchan: Hindi iyan. Sa tingin ko ang pagpapakasal ay napakaganda.
Yongguk: Walang hangganan sa pagitan ng mga basa kung meron tayong pagmamahal.
Daehyun: We are the world.
Himchan: Mahal namin kayo.
Yongguk: Kami, B.A.P, umpisa sa Abril, ay magsisimula ng bagong tour na tinatawag na continent tour. Sa tingin ko, ito’y isang karangalan para sa amin na malagay sa lugar kung saan makikita, makilala namin ang aming tagahanga sa buong mundo. Gusto rin naming makilala ang mga BABYz mula sa bansang di pa namin napupuntahan. Kaya inaasahan ko ang inyong suporta sa bagong simula ng aming continent tour at paghangad sa aming musika.
B.A.P: Kami ang B.A.P Yes sir! Maraming salamat!

© KBS World | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment