Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessirfansite.com/2013/11/bap-on-koari-article.html
Ang link para sa artikulo ay nandito.
-Maaring magpakilala kayo.
BANG YONG GUK(YG): Ako ang pinuno ng BAP, Bang Yongguk. Ikinagagalak kong makilala kayo.
HIM CHAN(HC): Ako si Himchan. Ikinagagalak kong makilala kayo.
DAE HYUN(DH): Ako si Daehyun. Ikinagagalak kong makilala kayo.
YOUNG JAE(YJ): Ako si Youngjae. Ikinagagalak kong makilala kayo.
JONG UP(JU): Ako si Jong Up. Ikinagagalak kong makilala kayo.
ZELO(Z): Ako si Zelo, ang bunso ng group. Ikinagagalak kong makilala kayo.
-Ang pangalan ng grupo, B.A.P, ay nagawa sa pagkuha ng mga unang titik sa “Best Absolute Perfect,” pero sino ang pinaka perpektong miyembro sa inyong grupo?
Z: Sa tingin ko ay si Youngjae hyung! Kami ay nakapag-debut sa Japan sa pagtanggap ng lubos na pagmamahal at suporta mula sa aming mga tagahanga, pero sa aming lahat, si Youngjae hyung ang sobrang nag-aral ng Nihongo at siya ngayon ang pinaka matatas sa Nihongo. Kaya sa tingin ko si Youngjae hyung ang pinaka perpekto.
-Youngjae-ssi, paano mo napaghusay ang iyong Nihongo?
YJ: Madalas, pinag-aaralan ko ang wika kasama na aking guro, pero nanunuod rin ako ng mga Hapon na drama at anime at maramin akong natuto mula rito. Lalo na, mahilig akong manuod ng anime na “HUNTER X HUNTER.”
-Kung gayon, sino ang pinaka sikat sa kababaihan?
Z: Sa tingin ko ay si Youngjae hyung.
ALL: Ngayon, siya ay nasa kaniyang golden age, kaya siya ang pinaka sikat! [Sa sagot ng mga kagrupo, nagpapakumbaba si Youngjae-ssi, pero madaling sumabat si Zelo-ssi ng, “Nagsisinungaling ka!!” (tawa)]
JU: Sa tingin ko ay si Himchan hyung sikat rin sa kababaihan. Sa nakikita niyo, ang gwapo niya, at sa palagay ko ay siya ang nakakaintindi ng lubusan sa mga damdamin ng kababaihan sa aming lahat.
HC: Opo. Iyon din ang aking naiisip. (tawa)
YG: Sa tingin ko… si Jongup ay mas sisikat pa sa kaniyang paglaki at pagtanda.
HC: Sang-ayon ako doon!!
DH: Si Jongup ang pinaka charming na miyembro sa aming lahat.
-Naka isang buwan na simula ng inyong Japan debut, pero nasanay na ba kayo sa inyong mga promosyon sa Japan?
HC: Nagsimula kami ng promosyon sa Japan, pero dahil kami ay balik panaog mula Korea at Japn, kailangan pa rin namin ng oras para masanay rito. Sa hinaharap, sa pagkakaroon ng maraming pagtatanghal sa entablado at pagsusumikap na magpakita ng aming mas magandang imahe, tingin ko ay unti-unting masasanay kami sa aming mga aktibidad sa Japan.
-Sa pagsisimula ng iyong mga promosyon sa Japan, merong bang kahit ano mang nakakagulat para sa inyo na kakaiba mula Korea (mga promosyon sa Korea)?
Z: Hindi lamang sa Japan, pero sa mga iba't ibang bansang napuntahan namin sa aming Pacific Tour, naisip ko na ang mga reaksyon ay iba-iba sa bawat lugar.
HC: Sa tingin ko ang mga Hapon na tagahanga ay nakikinig sa aming musika ng may respeto, kaya sobra ko itong pinasasalamatan. Pero ang interesanteng bagay ay ang pagpapakita rin nila ng kanilang pagiging madamdamin, at kamangha-mangha iyon sa akin.
-Sa simula, sinabi niyo na si Youngjae-ssi ay napaka galing sa Nihongo, pero anong salita o parirala sa Nihongo ang natutunan niyo kumakailan lang?
YJ: Natutunan ko kumakailan lang, “Yattara-Yari-Kaesu” [Paghihiganti kita kung kinuha ito sayo]. Ang paborito kong parirala sa Nihongo ay “Bai-Gae-Shi” [Ibabalik ko ng doble].
(Lahat ay tumawa ng malakas)
DH: Natutunan ko ang, “(ang tiyan ko ay) Pan-Pan” [ang tiyan ko ay punong-puno]!
JU: Natutunan ko ang, (napaka kumpiyansa) “Yattari-Mae-Desho!” (Mali ang pagkakasabi ni Jongup)
HC: Atari-Mae…
JU: A… Yattari-Mae…
HC: A, Ta, Ri, Ma, E.
JU: “Atari-Mae-Desho” [Siyempre]!
HC: Ang salitang natutunan ko kumakailan lang ay “Massugu” (napaka tuwid). Ang paborito kong Nihongo ay “Aitakkata” [Gusto kitang makita/Miss na kita].
Z: Natutunan ko rin ang “Massugu” [napaka tuwid].
YG: Natutunan ko ang, “Talagang tahimik ako. Wag kang mag-alala.” Dahil lagi akong natatanong kung bakit napaka tahimik ko at di masyadong nagsasalita, naisip kong isaulo ang pariralang ito.
-Sunod, tungkol sa pangalawang single “ONE SHOT.” Mayroon bang kahit ano na mahirap para sa inyo habang rekording?
DH: Pagbibigkas ng Nihongo ay napaka hirap para sa amin.
HC: Dahil di pa rin kami ganoon kagaling sa Nihongo, ang Nihongo na liriko ay mahirap kantahin para sa amin.
-Sa “ONE SHOT,” mayroong liriko kung saan sinabing, “Gising, Wake up, Pabagsakin ang bawat mataas na pader at hadlang,” pero paano niyo pababagsakin ang but how do you overcome kahirapan? Mayroon bang paraan para ipahinga ang inyong mga sarili?
YG: Nanunuod ako ng mga pelikula, nakikining sa musika… at naglalakad lakad ako mag-isa sa labas.
DH: Nanunuod ako ng mga drama at comedy para ipahinga ang aking sarili.
JU: Sa kalagitnaan ng gabi, lumalabas ako para maglakad habang nakikinig sa musika.
-Mayroon bang magagandang lugar na gusto mong imungkahi sa amin para sa paglalakaran?
JU: (malapit sa gusali ng TS Entertainment) HanNamDon!
(Lahat ay tumango)
-Kapag nababanggit ang B.A.P, ang pinaka makapangyarihan niyong pagsasayaw ay isa sa katangi-tangi niyong katangian, pero ano ang katangi-tanging punto sa sayaw ng “ONE SHOT” na gusto niyong panuoring mabuti ng mga tagahanga?
Z: Ang pushup dance sa koro. Ang kanta ay may mensaheng, “Wag mong pakawalan ang pagkakataong nasa iyong buhay, sunggaban mo ang mga ito ng mahigpit.” Gusto naming maunawaan ng mga tao ang mensahe, pero gusto rin naming udyukin sila kaya napagdesisyunan naming idagdag ang pushup dance sa sayaw.
-Sa huli, maaring magbigay kayo ng mensahe tungo sa iyong kaunaunahang Arena Tour.
YG: Dahil sa aming unang konsyerto sa Japan, nagsumikap at nagensayo kami para ibakit ang cool na imahe ng B.A.P’s cool image, kaya sana ay abangan niyo ang aming mga palabas.
DH: Sa aming mga tagahanga, sana asahan niyo ang aming “ONE SHOT”!! At abangan niyo ang aming mga palabas. Mahal ko kayo!
JU: Magkakaroon kami ng aming kaununahang Arena Tour. Dahil ito ay ang aming unang pagkakataon, sa tingin ko ay napaka mahalaga ito para sa ami. Magusumikap akong ipakita ang aming cool na imahe, at inaasahan ko na makakagawa ako ng magandang palabas kung saan magagawa kong hikayatin kayong pumunta ulit sa aming konsyerto.
HC: Sa aming mga tagahanga, sama-sama tayong gumawa ng magandang alaala! Di na ako makapag-intay na makita kayo!
Z: Kami ay naghahandanda ng todo para sa konsyertong ito. Gusto kong mag-iwan ang konsyertong ito ng malakas na marka, kaya sana ay pumunta kayo sa konsyerto para makita kami!
YG: Ang konsyertong ito ay magiging malaki, pero sigurado akong di namin kayo bibiguin, kaya sana ay pumunta kayo para makita kami!!
Ito ang unang beses para sa B.A.P na magkaroon ng panayam kasama ng KOARI.
Sa pagsagot ni Youngjae-ssi sa lahat ng katanungan sa Nihongo, at masayang pasagot ni Zelo-ssi sa bawat katanungan, naging maayos ang panaya sa at-home at kumportable na kalagayan na may maiikling pag-uusap dito doon. Nakakamangha na makita silang pumirma sa kanilang mga larawan na kiunha nila matapos ang panayam, tinatanong ang mga staff paano isulat ang mensahe sa Nihongo.
Sila ay magkakaroon ng kanilang kaunaunahang Arena Tour sa kanilang bagong single na, “ONE SHOT,” na may makapangyarihang mensahe na nagsasabi sa mga tao na wag pakawalan ang kanilang pagkakataon. Ang KOARI ay nais na patuloy na panuorin ang kanilang mga aktibidad sa Japan, na ngayon ay No.1 na Kpop group!

©KOARI

![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhldsdwqLAnzeQuQvgAYgAipg0PQfYIUYLW0cWFI8J-L4GUT0E1gQUsaoujJlCqHhA2a_qsWIm7j1nWk_3Q0RLNKVqKxsaAFbD_SGy9ZyDzdcso7G0V5-nlIxabzyJyb93zP-XA1QtVmrrr/s640/zelo.jpg)
-Kung gayon, sino ang pinaka sikat sa kababaihan?
Z: Sa tingin ko ay si Youngjae hyung.
ALL: Ngayon, siya ay nasa kaniyang golden age, kaya siya ang pinaka sikat! [Sa sagot ng mga kagrupo, nagpapakumbaba si Youngjae-ssi, pero madaling sumabat si Zelo-ssi ng, “Nagsisinungaling ka!!” (tawa)]
JU: Sa tingin ko ay si Himchan hyung sikat rin sa kababaihan. Sa nakikita niyo, ang gwapo niya, at sa palagay ko ay siya ang nakakaintindi ng lubusan sa mga damdamin ng kababaihan sa aming lahat.
HC: Opo. Iyon din ang aking naiisip. (tawa)
YG: Sa tingin ko… si Jongup ay mas sisikat pa sa kaniyang paglaki at pagtanda.
HC: Sang-ayon ako doon!!
DH: Si Jongup ang pinaka charming na miyembro sa aming lahat.
-Naka isang buwan na simula ng inyong Japan debut, pero nasanay na ba kayo sa inyong mga promosyon sa Japan?
HC: Nagsimula kami ng promosyon sa Japan, pero dahil kami ay balik panaog mula Korea at Japn, kailangan pa rin namin ng oras para masanay rito. Sa hinaharap, sa pagkakaroon ng maraming pagtatanghal sa entablado at pagsusumikap na magpakita ng aming mas magandang imahe, tingin ko ay unti-unting masasanay kami sa aming mga aktibidad sa Japan.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhhLbqQ_30VdLV31Tn0spMx1xtx_pNa8Ws-I25p7QAunrCHHkM9DotD7q8N0OMS4zIA9T67TDOtG0FeDRbAUq1s0T_xlyDNzMEFmyZwU6fMjZX8666CUJ_D8MsuWU-7pYZYkaAF5PW0isM/s640/2013-10-22_1155360.jpg)
-Sa pagsisimula ng iyong mga promosyon sa Japan, merong bang kahit ano mang nakakagulat para sa inyo na kakaiba mula Korea (mga promosyon sa Korea)?
Z: Hindi lamang sa Japan, pero sa mga iba't ibang bansang napuntahan namin sa aming Pacific Tour, naisip ko na ang mga reaksyon ay iba-iba sa bawat lugar.
HC: Sa tingin ko ang mga Hapon na tagahanga ay nakikinig sa aming musika ng may respeto, kaya sobra ko itong pinasasalamatan. Pero ang interesanteng bagay ay ang pagpapakita rin nila ng kanilang pagiging madamdamin, at kamangha-mangha iyon sa akin.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiM_PPLoJpCLptHNRJ0GN6jRK2uqGRsYAk6jukD5WdDnD8vXg80Q-ux0LlA37XmvnK1MsXucRm9OAPsqG68UR1BZ8_LmnJeCWE0xojq6CeoWtxDxY_A2FSWufxMGi2LR6CyAVGy5o4GYdQ/s640/1381216_217677298410193_2048822834_n.jpg)
-Sa simula, sinabi niyo na si Youngjae-ssi ay napaka galing sa Nihongo, pero anong salita o parirala sa Nihongo ang natutunan niyo kumakailan lang?
YJ: Natutunan ko kumakailan lang, “Yattara-Yari-Kaesu” [Paghihiganti kita kung kinuha ito sayo]. Ang paborito kong parirala sa Nihongo ay “Bai-Gae-Shi” [Ibabalik ko ng doble].
(Lahat ay tumawa ng malakas)
DH: Natutunan ko ang, “(ang tiyan ko ay) Pan-Pan” [ang tiyan ko ay punong-puno]!
JU: Natutunan ko ang, (napaka kumpiyansa) “Yattari-Mae-Desho!” (Mali ang pagkakasabi ni Jongup)
HC: Atari-Mae…
JU: A… Yattari-Mae…
HC: A, Ta, Ri, Ma, E.
JU: “Atari-Mae-Desho” [Siyempre]!
HC: Ang salitang natutunan ko kumakailan lang ay “Massugu” (napaka tuwid). Ang paborito kong Nihongo ay “Aitakkata” [Gusto kitang makita/Miss na kita].
Z: Natutunan ko rin ang “Massugu” [napaka tuwid].
YG: Natutunan ko ang, “Talagang tahimik ako. Wag kang mag-alala.” Dahil lagi akong natatanong kung bakit napaka tahimik ko at di masyadong nagsasalita, naisip kong isaulo ang pariralang ito.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg0f8-eQpJcoi3uYZBpAEKTv0tQxWusHEmV86jidNQJEieLYQcY-CyCfbOTbs1CUUA-AsyiVXgnBd99Tpk0evJLzpyXScccccznHI-Gi8AZ0XNqeQpFQMzOtL2JoUkDjbbVqUolqltea2ak/s640/BXQBzZJCIAAlxmR.jpg)
-Sunod, tungkol sa pangalawang single “ONE SHOT.” Mayroon bang kahit ano na mahirap para sa inyo habang rekording?
DH: Pagbibigkas ng Nihongo ay napaka hirap para sa amin.
HC: Dahil di pa rin kami ganoon kagaling sa Nihongo, ang Nihongo na liriko ay mahirap kantahin para sa amin.
-Sa “ONE SHOT,” mayroong liriko kung saan sinabing, “Gising, Wake up, Pabagsakin ang bawat mataas na pader at hadlang,” pero paano niyo pababagsakin ang but how do you overcome kahirapan? Mayroon bang paraan para ipahinga ang inyong mga sarili?
YG: Nanunuod ako ng mga pelikula, nakikining sa musika… at naglalakad lakad ako mag-isa sa labas.
DH: Nanunuod ako ng mga drama at comedy para ipahinga ang aking sarili.
JU: Sa kalagitnaan ng gabi, lumalabas ako para maglakad habang nakikinig sa musika.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgeMGjZs6puBu-5AvSadpERTYwj-bQz56nrvC6MtoFILCYliwiZtGriHU2rau7WaKdL8yzSjCe6GjIfQ0oS9_TtzL400dsSGuwo2US4Vi9dbGvuP3oFHqd8KkPEhmLiqZb5n3ggv76VdjwL/s640/BXVJktOCcAAfHsL.jpg)
-Mayroon bang magagandang lugar na gusto mong imungkahi sa amin para sa paglalakaran?
JU: (malapit sa gusali ng TS Entertainment) HanNamDon!
(Lahat ay tumango)
-Kapag nababanggit ang B.A.P, ang pinaka makapangyarihan niyong pagsasayaw ay isa sa katangi-tangi niyong katangian, pero ano ang katangi-tanging punto sa sayaw ng “ONE SHOT” na gusto niyong panuoring mabuti ng mga tagahanga?
Z: Ang pushup dance sa koro. Ang kanta ay may mensaheng, “Wag mong pakawalan ang pagkakataong nasa iyong buhay, sunggaban mo ang mga ito ng mahigpit.” Gusto naming maunawaan ng mga tao ang mensahe, pero gusto rin naming udyukin sila kaya napagdesisyunan naming idagdag ang pushup dance sa sayaw.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh8NUGDIQql7Ognp7CIU_iCd10pbsJrf644gl2TzsPQueuU5BYaLtI5ElIIOzBV-8Y1WEQUmTQpy8dxuJr_-0QmEVHZgcwmIK_ZTQ4h4Z012hpr2c1yegfikBo7mwLNCkt2-IQUZppIJ3-T/s640/BXT4mEfCcAAmLL7.jpg)
-Sa huli, maaring magbigay kayo ng mensahe tungo sa iyong kaunaunahang Arena Tour.
YG: Dahil sa aming unang konsyerto sa Japan, nagsumikap at nagensayo kami para ibakit ang cool na imahe ng B.A.P’s cool image, kaya sana ay abangan niyo ang aming mga palabas.
DH: Sa aming mga tagahanga, sana asahan niyo ang aming “ONE SHOT”!! At abangan niyo ang aming mga palabas. Mahal ko kayo!
JU: Magkakaroon kami ng aming kaununahang Arena Tour. Dahil ito ay ang aming unang pagkakataon, sa tingin ko ay napaka mahalaga ito para sa ami. Magusumikap akong ipakita ang aming cool na imahe, at inaasahan ko na makakagawa ako ng magandang palabas kung saan magagawa kong hikayatin kayong pumunta ulit sa aming konsyerto.
HC: Sa aming mga tagahanga, sama-sama tayong gumawa ng magandang alaala! Di na ako makapag-intay na makita kayo!
Z: Kami ay naghahandanda ng todo para sa konsyertong ito. Gusto kong mag-iwan ang konsyertong ito ng malakas na marka, kaya sana ay pumunta kayo sa konsyerto para makita kami!
YG: Ang konsyertong ito ay magiging malaki, pero sigurado akong di namin kayo bibiguin, kaya sana ay pumunta kayo para makita kami!!
Ito ang unang beses para sa B.A.P na magkaroon ng panayam kasama ng KOARI.
Sa pagsagot ni Youngjae-ssi sa lahat ng katanungan sa Nihongo, at masayang pasagot ni Zelo-ssi sa bawat katanungan, naging maayos ang panaya sa at-home at kumportable na kalagayan na may maiikling pag-uusap dito doon. Nakakamangha na makita silang pumirma sa kanilang mga larawan na kiunha nila matapos ang panayam, tinatanong ang mga staff paano isulat ang mensahe sa Nihongo.
Sila ay magkakaroon ng kanilang kaunaunahang Arena Tour sa kanilang bagong single na, “ONE SHOT,” na may makapangyarihang mensahe na nagsasabi sa mga tao na wag pakawalan ang kanilang pagkakataon. Ang KOARI ay nais na patuloy na panuorin ang kanilang mga aktibidad sa Japan, na ngayon ay No.1 na Kpop group!
© bapyessir.com #Yui (English) | © bapyessir.com #Bernz (Filipino)
No comments:
Post a Comment