Ang B.A.P sa Hapon na bersyon ng magasin ng 10Asia+ (Vol. 4)

Translator: Jireh
Original post: www.bapyessirfansite.com/2013/11/bap-in-japanese-version-of-10asia.html





Matapos magbatian kasama ng tagapagpanayam, ang recording ng Hidetaka Nishio (X-GUN) ay nag-umpisa na. Nang tanungin ni Nishio ang B.A.P tungkol sa kanilang debut sa Japan, sumagot si Daehyun , “Isa ito sa aming mga pangarap, kaya talagang napakasaya namin na magdedebut na kami sa Japan,” at pinakitaan kami ng isang malaking ngiti. Sumunod naman ay, nang matanong sila tungkol sa kanilang impresyon sa mga tagahanga sa Japan, ang sagot ng pinuno ng B.A.P na si Yongguk, “Sa tingin ko lahat sila ay mabait at madaling mahalin.” Nagulat si Nishio nang makitang mahiyain si Yongguk habang sinasagot ang tanong nang nakatingin sa lapag at tinatago ang kaniyang mukha at sinabi ni Nishio na, “Kumapra sa mga malalakas na pagtatanghal na ginagawa mo sa entablado, mukha kang inosente at mabait ngayon sa pakikipanayam, at gusto ko ang pagkakaiba na yan!” Sinabi rin ni Himchan, “Nahihiya ako kapag mayroong camera sa harapan ko…” At sabi naman ni Jongup, “Sa entablado, nagfofocus kami sa aming kanta at sa aming sayaw kaya okay lang, pero di pa rin kami sanay na magsalita sa harap ng camera katulad nito.” Nakakagulat talaga kung gaano sila nahihiya kahit na napakasikat na mga artista na sila.
Tungkol sa kanialng single para sa debut nila sa Japan na WARRIOR, sinabi ni Bang Yongguk na, “Ang kantang ito ay tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan,. Sa tingin ko sa kantang ito naipapakita namin ang totoong musika ng B.A.P.” Para sa bahagi ng kantang ito na nais nilang pakinggan ng mga tao, ang sabi ni Daehyun ay, “Gusto kong magfocus ang mga tao sa liriko ng kanta kapag nakinis sila. At gusto ko rin manood ng maigi ang mga tao sa aming mga pagtatanghal!” Ngumit si Daehyun at sumagot. Nang tanungin sila ni Nishio tungkol sa kanilang espesyal na feature at kulay na nakapagpapaiba sa kanila sa ibang mga artista ng KPOP, agad na sinabi ni Jongup, “Pagsasayaw!!” Nang marinig niya ang sagot na iyon, ipinakita ni Nishio ang ONE SHOT at WARRIOR na choreography na pinag-eensayuhan niya sa kasalukuyan. Nang makita ang sayaw, mukhang napahanga ang B.A.P at nagpakita ng saya. Ayon sa mga miyembro, ang B.A.P ay nag-eensayo sa loob ng 12 oras araw-araw nang dalawang buwan para sa isang kanta(1 choreography). Sinabi naman ni Himchan, “Dahil mayroon kaming mahihirap na choreographies, nakakapagod talaga para sa amin…” at siya'y ngumiti. 

Para sa B.A.P, ito na ang kanilang pangatlong pagpunta sa Japan. Sabi nila na nag-aaral na sila ng Hapon sa loob na ng 2 taon at kahit na ganoon, sinabi pa rin ni Daehyun na, "Hindi pa rin kami ganoon kagaling," mukhang nagiging mas magaling na sila magsalita kaysa noon. 

©bapyessir.com #Yui (English) | bapyessir.com #Jireh (Filipino)


Ang kasaysayan ng B.A.P sa pananakop nila sa mundo. Sasakupin namin ang Korea sa pamamagitan nito!!
Ang introduksyon ng bawat kanta ayon sa mga miyembro.
Bang Yongguk: "Hindi ko gusto ang hindi pagkakapantay-pantay at mga kahangalan. Kapag may hindi tama, kailangan nating sabihin ito ng malakas. Ang mga fans na nakikinig sa aming kanta na bata pa. Pero hindi dahil bata pa lang sila, hindi ibig sabihing di na nila kailangan alamin ang mga bagay na ito.  Kung matututo silang intindihan ang mga isyung sosyal habang bata pa sila, sa tingin ko magiging mabait at mature sila paglaki nila. Ang pagkakaroon ng isang bagay na ginagawa namin nang may pagbibigay-loob ay ang istilo ng B.A.P.”

Bumalik ang B.A.P nang mayroong mas matinding musika. Bilang isang Hip-Hop na idol, ang kanilang mensahe ay naging mas maliwanag. Agresibo man pero ang mga lirikong ipinapakita ay napakaganda. Sa oras na ito, ano kaya ang kantang ipapakita nila para sakupin ang mundo? Tinanong namin ang mga miyembro upang ipakilala ang bawat kanta sa kanilang ikatlong mini album na “BADMAN.”

©bapyessir.com #Yui (English) | bapyessir.com #Jireh (Tagalog)


EXCUSE ME
Himchan: Itong magandang kanta na ito ay nakapagpapasaya sa mga fans. Sa tingin ko makakagawa kami ng magandang pagtatanghal kung ipapakita namin ang kantang ito sa entablado! Inaabangan ko ang pagtatanghal ng kantang ito!!
10Asia: Sa pagkakaroon ng tradisyonal na istilo ng Hip-Hop, Having a traditional Hip-Hop style, ang kantang ito ang may pinakamatinding linya ng rap kumpara sa iba pang mga kanta sa ikatlong mini album. Sigurado kaming mararamdaman niyo ang mataas na talento ng B.A.P sa rap sa kanialng live na mga pagtatanghal. Ang kantang ito ay talagang pang-B.A.P sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang ugali sa musika at mga agresibong liriko.
COFFEE SHOP
Youngjae: Dati ko pa gustong subukan ang musikang Jazz. Sa tingin ko makikita niyo ang mature na pigura ng B.A.P sa kantang ito. Dahil rin kay Song Youngju, na isang sikat na pianista ng Jazz, mas naging maganda ang kanta.
Himchan: Mahirap siya kantahin nang walang pagkakaroon ng kaagresibuhan, pero naging okay sa akin dahil ang kantang ito ay naging maganda sa istilong ito.
10Asia: Ang Urban R&B song. Ito ay isang mature na kanta na hindi ganoon palaging nakikita sa mga idol group. Ang pinakamagaling na pianista sa Korea na si Song Youngju, ay nagbigay ng magandang Jazz sa kantang ito sa pamamagitan ng pag-aalis sa nakagawiang session na istilo. Makikita mo kung ano-anong mga ekspresyon ang kayang gawin ng B.A.P sa kantang ito.
BOW WOW
Jongup: Ito ay isang kanta na nagpapakita ng isang lalaki sa isang masayang pamamaraan, na nagkagusto sa isang babae kahit na mayroon na siyang nobya. Galit na sinabi ng nobya niya na, "Bakit ka pa tumitingin sa iba pan g mga babae kung mayroon ka nang nobya na katulad ko?". Pero wala syang pakialam at sinabing, “Ganito talaga ang mga lalaki.” Pero sa huling bahagi, sinabi ng lalaki na, "Kung ikaw ay nasa tabi, ang lahat sa mundo ay sa akin," at nagtapos ito ng masaya. (laughs)
ZELO: Mapapansin niyo kapag napakinggan niyo ang kantang ito, ginawa namin itong sikat nang may sikat na Hip-Hop na trend. Ang masayang ritmo na mayroon ito ay humahalo sa mga walang kwentang pinagsasabi ng lalaki, sa tingin ko makakakita ka ng ibang mga charms na mayroon ang lalaki na magugustuhan mo.
10Asia: Ang kanta na mayroong pinakamagandang imahe sa album. Isang cute (?) na kanta na ipinakita ng B.A.P sa sarili nilang pamamaraan. Ang iba't ibang mga tono nina Daehyun at Youngjae ay mayroong magandang paghahalo.
HURRICANE
Bang Yongguk: Sa kantang ito, hinamon namin ang aming sarili na subukan ang electro-house music na hindi pa naman nasusubukan dati. Matagal na kaming nagpapakita ng hardcore na mga musiko, pero gusto namin maipakita ang bagong musika namin sa pamamagitan ng kantang ito.
10Asia: Di katulang ng iba pang mga kanta ng B.A.P, ang kantang ito ay may electro-dance tune. Sina Chon Down at Marco, na nagtulungan upang mag-compose sa kantang, "NO MERCY", na title song sa kanialng unang mini album, ay pinagtrabahuhan ulit ang kantang ito, at si Bang Yongguk naman ang nagsulat ng liriko. Hindi lang ito mayroong halong Hip-Hop, mayroon din itong magandang rock na kasama.

©bapyessir.com #Yui (English) | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

©bapyessir.com

WHUT’S POPPIN’
ZELO: Ito ang paborito kong kanta sa bago naming album. Gusto ko ung direktang liriko ni Yongguk hyung. Ang kantang ito ay masyado maraming “malisyosong mga salita” na palaging sinasabi ni Yongguk hyung. (laughs)
Bang Yongguk: Ginawa namin ang “WHUT’S POPPIN’ dahil kailangan namin ng maayos na introduction song para maipakita sa mga tao ang konsepto ng aming bagong album. Habang nasa American tour kami, bumisita kami sa Bronx. Ang lugar na yun ay medyo delikado, pero mayroong malakas na Hip-hop atmosphere, at doon, nagkaroon kami ng pagkakataong magkaroon ng ibang mga kaibigan. Tinuruan nila kami kung paano bumati at sabi nila ang pagbati nila ay “Whut’s Poppin’”. Dahil gusto kong ipahayag ang Hip-Hop sa kantang ito, ginamit ko iyon bilang titulo ng aming kanta.
10Asia: Bilang lider, sabi ni Bang Yongguk, ang kantang ito ay nagpapaliwanag ng iba't ibang mga istilo ng musiko na nilalaman ng album na ito. Maraming mga direktang liriko sa kantang ito tulad ng, "Tayo ay nabibilang sa iba't ibang mga klase kumpara doon sa mga katulad ng mahihinang mga babae,” at “Tayo ay hindi interesado sa mga bagay na hindi nagbibigay ng ibang kaibahan.” Pero kanino nila sinasabi ito? Ang malakas na imahe at ang istilo na Hip-hop na mayroon ang B.A.P mula nang sila ay nagdebut ay nakakaakit pa rin ng ating atensyon.
BADMAN
Bang Yongguk: Ang kantang ito ay naglalaman ng mensahe ng B.A.P na laban sa mga krimen. Habang nanonood ako ng balita at nagsusulat ng liriko, marami akong nakitang balita tunkol sa pagnanakaw at pagpatay. Dahil pakiramdam ko ang mga seryosong mga krimen na iyo ay hindi na napapansin at nakalimutan na matapos i-ere sa telebisyon, nagdesisyon akong gawin ang kantang ito, dahil gusto kong maisip ng tao ang mga krimen na iyon habang pinakikinggan ang aming mga kanta. Sa aming anim na mga kanta, ito ang pinakapinagtrabahuhan ko. Bago sa B.A.P na gamitin ang trap ng main stream music na sikat sa US ngayon.
10Asia: Ito ang title song ng album na ito. Ang kantang ito ay ginawa nina Kang Jiweon & Kim Kibum, na hindi lamang nagtatrabaho sa B.A.P kundi pati na rin sa Secret at sa iba pang mga title songs ng ibang mga girl group. Ito rin ay isang kanta na talagang maka-B.A.P, na mayroong halong trap na ngayon ay sikat na sa U.S. (trap: electronic music sub-genre na mayroong malakas na ritmo at synthesizer), at mayroong mensahe na ang mga kriminal ay natatalo ng hustisya.
©bapyessir.com #Yui (English) | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment