Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessirfansite.com/2013/10/bap-in-cancam-magazine-dec-issue.html
Q.1 Sabihin niyo ang pangalan ng grupo!
A. Kami ang B.A.P!!
Q.2 Ano ang pamagat ng kanta para sa inyong Hapones na debut?
A. Warrior!
Q.3 Anong bahagi ang dapat pakinggan sa inyong kanta sa Hapones na debut na "Warrior"?
Zelo: Ito rin ang aming panimulang kanta sa aking Koryanong debut kaya madalas namin itong pinagtanghal. Ang salin sa Hapon ay parang upgrade.
Q.4 Magsabi ka ng bagay tungkol sa filming ng Warrior MV!
Yongguk: Gumamit kami ng apoy kaya nasunog ako noong ginagawa namin ang Koryanong salin, pero naglagay ako ng madaming cream para sa Hapones na salin nang magawa ko ito ng hindi nasusunog.
Q.5 Bagay na kinagulat niyo habang live na konsyerto sa Japan?
Daehyun: Nang kumakanta kami ng ballads sa Japan, sobrang tahimik ang mg nanunuod at nagulat kami.
Q.6 Magsabi ka ng isang bagay na sinabi ng isang tagahanga na nagpasaya sa iyo?
Youngjae: "Naging masaya ako dahil sa musika ng B.A.P." Napasaya talaga ako.
Q.7 Salitang Hapon na natutunan mo kumakailan lang?
Jongup: "Makikita ko na kayo ngayon." (*今、会いにいきます。 Ima, ai ni ikimasu.) Natutunan ko ito habang nagsusulat ng mensahe sa mga tagahanga.
Q.8 Magsabi ka ng pangyayaring nangyari habang live.
Himchan: Sumasayaw ako na bukas ang pantalon ko~ Sinabayan ko ng sayaw at madali kong sinara (tawa)
Q.9 Ano ang ginagawa mo sa waiting room?
Daehyun: Nagbabasa ng libro. Hahaha loko lang! (tawa) Natutulog habang nakikinig ng musika~
Q.10 Umiibig ako sa OOO na talento ng katabi ko!
Zelo: Naiinggit ako sa pagiging madaling lapitan at guwapong mukha ni Himchan.
Q.11 Pinaka mahirap na bagaya na ginawa mo kumakailan lang?
Yongguk: Nagsusulat ako para sa susunod na album at nag-rekord ako ng demo para sa mga parte ng mga miyembro kaya sumakit lalamunan ko. Lalo na kapag ginagawa ko ang matataas na parte ni Daehyun, para sinumang mababa ang boses tulad ko... Ginawa ko ito pero ang hirap! (tawa)
Q.12 Pakigawa ng acronym ng panghalina ng B.A.P gamit ang 3 titik!
Zelo: Bad Action Performance!
Q.13 Bagay na gusto mong matupad sa Japan?
Youngjae: Isang dome tour! (N/T: ang mga dome ay mas malaki kaysa than arena)
Q.14 Artista na gusto mong makatrabaho?
Jongup: Chris Hart. Gumagawa siya ng covers ng mga kantang JPop.
Q.15 Tipo ng babaeng gusto mo?
Youngjae: Sino mang hindi pasikat, pero mahinhin at masiyahin.
Q.16 Ano ang mas pipiliin mo sa isang madaldal o tahimik?
Daehyun: Sino mang tahimik! Mas madali kung ganoon (tawa)
Q.17 Palda, pantalon, bestida. Ano ang pipiliin mo?
Youngjae: Pantalon.
Q.18 Mas pipiliin mo ba ang mahabang buhok o maikling buhok?l
Yongguk: Medyo mahaba sa maikli. Parang bob? Gusto ko ang parehong maitim at kayumangging kulay ng buhok.
Q.19 Anong gusto mong pabango sa babae?
Daehyun: Ano mang floral♪
Q.20 Anong gawi ng kababaihan na gusto mo?
Daehyun: Di ko mapigilang di tumingin pag ang babae ay nagtatali ng kaniyang buhok. (namula)
Q.21 Ano ang gusto mo sa babae?
Himchan: Kanilang aura? Kasi gusto ko ng babaeng may partikular na aura tungkol sa kanila. (T/N: Di ko alam. Hindi niya sinabi kung anong klaseng aura…)
Q.22 Walang makeup? Mayroon makeup?
Yongguk: Sa proporsyon, gusto ko siyang magsuot ng makeup 70% ng panahon at walang makeup 30% ng panahon.
Q.23 Magtatapat ka ba sa gusto mo? O mag-iintay kang magtapat sila?
Jongup: Matiyaga akong maghihintay. Gusto kong natural na mapansin ng taong gusto ko na gusto ko siya!
Q.24 Anong una mong gagawin sa unang date?
Himchan: Kung nasa Japan, pupunta kami sa nasa usong lugar gaya ng Harajuku at magkasama kaming mamimili. Gusto kong magsaya kami at sabihin sa isa't isa na "bagay iyan sayo~♥"
Q.25 Anong gusto mong suotin ng iyong kasintahan sa unang date sa tag-lamig?
Zelo: Anumang uso pero hindi pasikat ♥ Tulad ng kulay-rosas! A! Pagtapos ng lahat tingin ko gusto ko ng lahat ay itim.
Q.26 Kung mayroon kang kasintahan, ilang beses sa isang araw mo gustong makipagusap sa kaniya?
Youngjae: Laaaaaa~gi! Buong araw ♥ Sa phone o chat.
Q.27 Magtapat sa taong gusto mo!
Jongup: Tatawagan ko siya, at punta para maupo sa tabing-dagat o parke malapit sa bahay niya at diretso kong sasabihing "Gusto kita." Pero sa huli di ko masasabi ang gusto kong sabihin at malamang umuwing hindi nakapagtapat~ (tawa)
Q.28 Paano kung ikaw at kamiyembro mo ay gusto sa iisang tao?
Yongguk: Kung gusto pareho namin siyang gusto, magpaparaya ako. Sa ngayon!
Q.29 Mayroon kang 2 na oras ng libreng oras sa gitna ng iyong schedule. Paano mo ito gagamitin kasama ang iyong kasintahan?
Zelo: Hmm~ papipiliin ko siya.
Q.30 Maari ka ba sa isang long distance relationship?
Himchan: Kung sa taong mahal ko talaga, kaya ko! Di paksa ang distansya.
Q.31 Saan mo gustong punmunta para sa iyong date sa Japan?
Daehyun: Sapporo~! Gusto kong pumunta sa mainit na bukal at gusto kong magkasama kaming kumain ng mahal kong ramen.
Q.32 Kapag nagkaroon ka ng kasintahan, p kasintahan, hihigpitan mo ba siya?
Zelo: Pinagisipan ko na ito dati! Pero gusto ko ng kasintahan na walang masyadong kaibigan. Dahil kung hindi araw-araw akong mag-aalala…
Q.33 Gaano ka katagal mag-iintay para sa iyong kasintahan kung nahuli siya?
Youngjae: 30 na minuto. Kung di siya daratung noon, tatawagan ko siya. Kung nasa bahay pa rin siya… susunduin ko siya sa bahay niya.
Q.34 Ikaw ba ang tipo na magbibitbit ng bag ng iyong kasintahan? O hindi?
Jongup: Tingin ko ay di ako magbibitbit.
Q: Paano kung nagbibitbit siya ng anumang mabigat?
J: Hm~ Pupunta ako sa bahay niya, iwan iyon doon at lalabas ulit.
Q.35 Ano ang gusto mong matanggap mula sa iyong kasintahan sa iyong kaarawan?
Zelo: Isang sulat-kamay na sulat. At gusto kong masahihin niya ako (tawa)
Q.36 Anong pagkain ang gusto mong gawin ng kasintahan mo para sayo?
Jongup: Isang hamburger na may primera klaseng karne ♥ Gusto ko rin ng milkshake.
Q.37 Anong gagawin mo kung ang pagkaing niluto ng kasintahan ay hindi masarap?
Yongguk: Tapat kong sasabihing di masarap. Pero kakainin ko lahat.
Q.38 Saan at ano ang gagawin mo para sa 100 days ninyong magkasintahan?
Himchan: Gusto kong mag-ibang bansa! Gaya ng Hong Kong. Pero wala akong kasintahan kaya pupunta ako kasama si Zelo.
Q.39 Lahat kayong 6 ay nakatira pa rin sa isang dorm pero paano ang mga silid?
Zelo: Meron kaming 3 na bunk bed na nakahilera at tinutulugan sama-sama. Para sa mga kwarto sa hotel, hanggang ngayon laging ako at si Jongup, pero sa para sa pananalagi sa Japan, ako at si Youngjae. Pinag-iisipan ko kung bakit.
Q.40 Sino ang may problema sa paggising at sino ang wala?
Jongup: Si Daehyun anng madaling gumising sa umaga at si Zelo ang may problemang gumising. Sa ngayon, si Yongguk ay nagtatrabaho sa aming album hanggang gabi kaya di siya gumigising sa umaga.
Q.41 Pagpunta rito, sino ang katabi mo sa kotse?
Himchan: (tawa) Aming manager. (T/N: na paniwala ko ay hindi si manager Kang pag nasa Japan sila)
Q.42 Sino ang miyembrong umaakto na pinaka laki sa layaw?
Youngjae: Himchan. Kapag kumakain kami, siya ang pinaka maingay, sinasabing "Gusto kong kainin ito, guston kong kainin iyan."
Q.43 Kung magkakaroon ka ng isang linggong pahinga, ano ang gagawin mo?
Daehyun: Video games! Wala akong gustong gawin kundi maglaro kasama ng aking kamiyembro.
Q.44 Anong tatlong bagay ang dadalhin mo sa disyertong isla?
Zelo: Isang MP3 player, apoy, mga damit.
Profile ng mg Miyembro
Yongguk
Pinanganak noong 1990, 180cm. Pinuno, nakaatas sa rap. Nagsusulat at gumagawa ng kanta, at isa siya sa mga talentado sa hanay ng mga batang idol! Ang kaniya ring natatanging marka ay ang kaniyang hasang-hasang pangagatawan pati na rin ang kaniyang balagat. Ang ngiting pinakikita niya kapag tumatawa ay nakakamatay ♥
Himchan
Pinanganak noong 1990, 180cm. Nakaatas sa vocals. Kilala para sa kaniyang kagandahang hitsura bago ang debut. Isang pagsabog ng panghalina sa entablado! Ang kaniyang totoong mukha na kaniyang pinapakita sa variety ay masiyahin at madaldal. Ang kaniyang pagkatatangi ay kumukuha siya ng mga larawan ng mga tagahanga gamit ang kaniyang sariling kamera habang konsyeto.
Daehyun
Pinanganak noong 1993, 177cm. Nakaatas sa lead vocals. Kayang kumanta ng malawak saklaw mula sa R&B hanggang Hip Hop, at nag kaniyang panghalina ay ang kaniyang mahinahon at nakakapanatag na boses. Ang kaniyang magandang hitsura, na nakapagbigay sa kaniya ng palayaw na Busan Wonbin at kaniyang wagas na katangian ay walang dudang bubuhay ng inyong pagka-maternal
Youngjae
Pinanganak noong 1994, 178cm. Nakaatas sa main vocals. Malaking bulas na may yumayakap na boses, ang kaniyang panghalina ay nasa tugatog kapag siya kumakanta ng ballad! Siya ay maasahan, mas matalas na pag-iisp at ang kaniyang galing sa wikang Hapon ang nanguguna sa mga miyembro. Masasabi na, ngayon, siya ay napaka sexy sa entablado.
Jongup
Pinanganak noong 1995, 176cm. Nakaatas sa vocals at sayaw. Kahit na ang B.A.P ay kilala para sa kanilang matinding ayaw, hinalina niya tayo sa kaniyang mga akrobatik na galaw. Hindi ka makakaalis simula ng ikaw ay mabitag ng kaniyang katangiang 4D, tulad ng pagsasalarawan ng kaniyang mga kamiyembro!
Zelo
Pinanganak noong 1996, 184cm. Nakaatas sa rap at sayaw. Sa kabila ng pagiging bata, siya ang pinaka matangkad, kaya siya ay naging big baby (T/N: big baby ay nasa wikang Ingles). Kilala siya para sa kaniyang LTE rap (sobrang bilis na rap), at kinilala ng ibang mga artista. Siya ang pinaka sikat kasama ni Daehyun.

HUWAG alisin ang aming watermark, at kung ibabahagi ang aming scans DAPAT ay kilalanin ang bapyessir.com

No comments:
Post a Comment