Original post: http://www.bapyessir.com/2014/03/bap-bangtan-topp-dogg-will-have.html
MC: Para sa ating ika-100 na episode, may isangdaang tao ang bumati sa atin. Wag niyong kakalimutan panoorin ito dahil makakakita kayo ng mga pamilyar na mukha. Ngayon, oras na para ipakilala ang ating mga panauhin.
MC: Si IU, pati ang B.A.P! Hello.
MC: Unang-una sa lahat, bumati muna kayo. Si IU muna.
IU: Para sa "Red Shoes", ibinigay sa akin ng Show Champion ang tropeyo.
MC: Sa Champion Song.
IU: Talagang nagpapasalamat ako. Ika-100 episode na, kaya binabati ko kayo. At sana ay madalas niyo kong tawagin bilang panauhin.
MC: Ah salamat at ang B.A.P naman.
Himchan: Lumabas kami sa Show Champion simula nung ikalawang episode palang, at ngayon ika-100 na. Sana ay magpatuloy pa tayo.
MC: Para sa araw na ito, ang B.A.P ang pinakabata. (sa aspeto ng pagdebut), ano ang inyong nararamdaman?
Yongguk: Dahil kami ang mga pinakabata sa araw na ito, pagbubutihan namin.
MC: Diba may sasabihin ka pang iba?
Yongguk: Pinagbutihan namin sa stage kaya kami pinagpapawisan.
MC: Katatapos lang ng performance nila kaya sila pinagpapawisan pero mukha pa rin silang astig.
Ngayon, napili ang CNBLUE dahil sa kanilang pagkapanalo bilang grupo na may pinakamaraming kinompose na mga kanta at nakalista sa Hall of Honor ng Show Champion. Pero narinig ko na si Yonghwa at IU ay nagbibigayan ng mga payo tungkol sa musika. Totoo ba ito?
Yonghwa: Opo, totoo.
MC: Sandali, hindi ito ang unang beses na nagkita kayo diba?
MC: Mukha siyang nalilito.
MC: Talagang nagbibigay ka ng payo?
Yonghwa: Nagbabahagi kami ng magagandang music at iba pang mga bagay.
MC: Ah talaga? IU, ano ang tingin mo sa musika nila ngayon?
IU: Oh, sa tingin ko talagang maganda. Madalas kong pinapakinggan. Ung mga kanta sa kanilang album ay magaganda rin.
MC: Tatanungin ko naman si Yonghwa. Aling kanta ni IU ang pinakanababagay sa iyong style?
Yonghwa: Para sakin, "Friday".
MC: Kinompose mo rin yun diba?
IU: Opo.
MC: Kayo ay nagpupurihan ng mga sari-sarili niyong mga kinompose na mga kanta.
Yonghwa: Pinopromote namin ung mga kanta.
MC: Ah expected na nga, ang bankbook ni IU...
MC: Kaya ring gumawa ni Shindong ng isa.
MC: Magluluto na lang ako.
MC: Sa kasaysayan ng 100 mga episode, hindi lang ang Champion Song ang award diba?
MC: Ah talaga?
MC: Oo, makikita din natin ang iba pang mga hindi pangkaraniwang mga record. Iyon ay, Show Cham Guinness! Sa ngayon, may inihanda ang B.A.P diba?
Himchan: Opo, sa ngayon, nakasama ako sa pagnanarrate ng Show Cham Guinness.
MC: Pag-uusapan pa natin ito matapos natin makita ang Show Cham Guinness. Ating panoorin na ito, ngayon!
Himchan: Hello, ako si Himchan ng B.A.P, na siyang nakatalaga para ipaliwanag ang Show Cham Guinness. Ating tingnan kung sino-sino ang mga nanalo sa kasaysayan ng 100 mga episodes ng Show Champion.
765 na araw na simula nung nag-umpisa ang Show Champion. 320 ng mga grupo ang napanood, at 616 na mga kanta na ang nakanta. Posible ito dahil sa mga singers na nag-improve kasama ng Show Champion sa kasiyahan at kalungkutan.
Sino ang nakita ng pinakamaraming beses at sino ang may pinakamataas na rating? Ating alamin ngayon !
Ilalabas muna natin ang nasa ikatlong pwesto.
Hindi takot na bumagsak, ang buhay na buhay na girl group, Dal Shabet. Nakita sila sa 18 na episodes na may 5 kanta, at ngayon sila ang nasa ikatlong pwesto.
Atin namang alamin ang nasa ikalawang pwesto.
Nasa posisyon bilang idol na may nakakagulat na performance, VIXX ang nakakuha ng ikalawang pwesto. Ang VIXX ay nasa 28 na episodes, na mayroong 9 na kanta. Nakuha din nila ang pagmamahal bilang fairy backstage. Napakagaling!
Okay, sa 100 na episodes, ang nagniningning na bituin na pinakanakita ng lahat...Sino ang nasa unang pwesto? Argh, gusto ko nang malaman!
Yeah, wow, kami, B.A.P ang nanalo!
Diba dapat nasa listahan na kami ng staff?
Ang B.A.P, mula sa debut song na "Warrior" na nakita sa 30 na episodes na may 13 na mga kanta! Mayroon kaming 30% na bahagi! Nakuha din namin ang una naming panalo sa Show Champion.
As expected, kamahal-mahal talaga ang Show Champion.
Okay, ang grupo naman na mayroong pinakamataas na ranking. Sa ikatlong pwesto...
Hindi naiinggit sa Pororo...Sikat sa mga bata, ang Bar Bar Bar ng Crayon Pop ay nanalo sa ikatlong pwesto. Napapagalaw ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang kooperasyon sa taong 2013. Nakakuha rin ng pagmamahal ang Crayon Pop mula sa mga Show Cham PDs.
Sunod, ang nasa ikalawang pwesto.
Ang pambansang nakababatang babaeng kapatid, si IU. Mayroong magandang live at perpektong swing na sayaw, pinurify ni IU ang mga mata at tainga ng mga manonood. IU, ano ang iyong nararamdaman?
IU: Salamat at magiging IU ako na palaging pupunta sa Show Champion.
Himchan: Ngayong tinatawag niya ang sarili niya bilang sumasayaw na diyosa, congratulations IU!
MC: Ah talagang nakakagulat na balita iyon! Ang B.A.P ay malapit na sa Show Champion diba? Nanalo sila dito, at sila ang pinakanakita nang mapanood sila sa 30 na episodes. May kilala ba kayo sa mga staff?
MC: Diba may kamag-anak kayo na staff? Kaninong kamag-anak yun? Kay Himchan ba un?
Himchan: Hindi, hindi siya kamag-anak. Talagang nagtrabaho ng mabuti ung company staff namin. Talagang nagpapasalamat ako sa TS Entertainment tsaka kay Kim Tae Song.
MC: Bakit bigla bigla kang nagpapasalamat? Yung iba ano ang nararamdaman niyo?
Zelo: Uhm..Ako, uh...ano ang nararamdaman mo?
Youngjae: Ah, nagulat ako dun. Sa 30 episodes na iyon...naniniwala akong dapat may share kami dito.
MC: Ano ang sinasabi niyo? :))
Youngjae: Parang bahay, ito ay isang lugar kung saan kami pumupunta na para bang bahay namin. Pinagbutihan namin kaya sana tingnan nila kami sa magandang paraan. Salamat.
MC: Sa totoo lang, nagpapasalamat kami sa B.A.P dahil nakita sila sa maraming mga episodes. At si IU naman ang napili bilang female singer na may pinakamataas na singer.
MC: Ano sa tingin mo ang iyong charm?
IU: Sa totoo lang, napakaganda ng ratings ng Show Champion. At sa tingin ko mas pinagbutihan ko ang pagtatanghal sa Show Champion. Ang mga music programs ay binobroadcast sa tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes diba? Ah may The Show pa sa Martes.
MC: Ah sinabi mo pa ung isang pangalan ng programa dito. Sana sinabi mo na lang lahat tulad ng Music Core.
MC: Mag-ingat ka.
IU: Ang Show Champ ang nagsisimula sa buong linggo kaya dito ako talagang ninenerbyos.
MC: Sa pananaw ng B.A.P at CNBLUE, sa tingin niyo ano ang charm ni IU? Ung charm na nakakahugot ng ratings. Anong charm iyon?
MC: Pwedeng maging iba base sa pananaw ng mga lalaki. Yonghwa?
Yonghwa: Ang charm niya ay ang pagiging all-around entertainer niya.
MC: AH ang pagiging all around entertainer. Jonghyun?
Jonghyun: Walang mali sa kanya.
MC: Ah walang mali. Un ang pinakamagandang komento. Kapag ganito, mauubusan na ng sasabihin ang B.A.P. Ano sa tingin niyo ang charm niya?
Daehyun: Una...
MC: Okay, salamat.
MC: Pakinggan natin siya.
MC: Joke lang.
Daehyun: Perpekto talaga siya. Magaling siya kumanta, at maganda rin siya. Talentado siya at marami kang matututunan sa kaniya.
MC: Sa puntong ito, mahihiya si IU.
MC: Sa puntong ito dapat sinasabi niya, "Ah hindi naman", pero nagpapasalamat siya. Congratulations.
MC: May bagay pa ko na gustong malaman, di pa natin alam ang nasa unang pwesto. Si IU ang female singer na may pinakamataas na rating, sino naman ang pinakamataas na rating sa lahat lahat?
MC: Sino kaya? Alam ba ng B.A.P?
Youngjae: Para sa amin, nanalo kami ng mga highest ratings simula nung debut namin. So sana B.A.P. pero sa tingin namin CNBLUE.
MC: Maging matapat tayo rito. B.A.P?
Youngjae: Sana B.A.P.
MC: Sana B.A.P ang manalo pero dahil CNBLUE ang nasa harap namin, pero gusto ko pa rin sana na manalo ang B.A.P. Salamat. CNBLUE, ano sa tingin niyo?
CNBLUE: Sa tingin namin TVXQ.
MC: Oh baka nga. IU?
IU: Para sa akin, si Tae Jinnah.
© bapyessir.com #Jireh (Filipino)
No comments:
Post a Comment