Translator: Jireh
Comeback D-4
Ating suportahan ang pagbabalik ng B.A.P! Nasa ilalim ang listahan at tutorial ng mga paraan kung paano natin matutulungan ang B.A.P nag magkaroon ng magandang posisyon sa mga Korean Charts at manalo sa mga music shows!!!
★ ITO NA ITO MGA BABYZ! GAWIN NA NATING MGA PANALO ANG B.A.P SA PAGKAKATAONG ITO! ★
Pangunahing mga paraan na maaaring ibahagi ng mga international fans sa tagumpay ng B.A.P:
1) Bilhin ang kanilang musika, pisikal man o digital (60%)
2) Kumuha ng mga puntos ng SNS sa pamamagitan ng Youtube at iba pang mga networks (20%)
3) Iboto sila sa mga music shows (20%)
Ang pinakamagandang paraan para suportahan ang B.A.P ay bilhin ang kanilang musika. May dalawang paraan kung paano bilhin ito, at ang bawat paraan ay may magkaibang epekto.
ANG MGA PISIKAL NA SALES ay nagpapanatili sa B.A.P na mabuhay at gumawa pa ng maraming musika
Kapag bibili kayo ng kanilang CD, alalahaning bumili sa isang website kung saan magrereflect ang inyong pagbili sa HANTEO* chart, dahil may epekto ito sa mga Korean charts.
Maaari na kayong mag pre-order ng "First Sensibility" sa BYS at TS Entertainment! Pumunta DITO para sa mga detalye
*Ang Hanteo ang pinakamalaking physical album chart ng Korea at ang chart na may epekto sa mga Korean Music Shows.
ANG MGA DIGITAL SALES ay makakatulong sa B.A.P para manalo sa mga Korean music shows
Ito ang PINAKAMAGANDANG paraan para matulungan ang B.A.P na manalo sa mga Korean music shows, dahil ang mga digital sales ay nabibilang sa Gaon and MelOn charts*. Mayroong limang pangunahing sites kung saan ang digital music ay maaaring mabili, ang MelOn, Bugs!, Olleh, Naver at Soribada.
Ang unang apat na binanggit ay hindi tumatanggap ng mga pagbili mula sa ibang bansa, kaya hindi kami makakatulong. Ang Soribada ay para lang iTunes at kaya nating bilhin ang title track sa halagang 1,65 USD, ngunit sa kasalukuyan ang TS ENT ay walang contact nila, kaya ang musika ng B.A.P ay hindi pa maaaring bilhin sa ngayon, ngunit susubukan pa rin naming ma-contact ang mga kinatawan ng Soribada at TS Entertainment upang masolusyunan ito. Manatiling nakatutok para sa mga updates.
Ang iTunes ay walang epekto sa mga Korean charts at music shows. NGUNIT, ang iTunes ay kasing importante sa ibang mga charts dahil isa itong WORLDWIDE chart na maaaring makatulong sa B.A.P na makilala sa buong mundo!
*Ang Gaon at Melon ang pinakamahalagang digital charts.
Tutorials © BAPYESSIR.COM #Jireh (Filipino)
[ MV goes here ]
Ang mga PUNTOS NG SNS ay maaari pa ring makatulong sa B.A.P upang manalo sa mga music shows!
Pumunta sa TS ENT official Youtube at itaas ang mga views ng "Angel" MV.
* Siguraduhing naka-log-in sa inyong YouTube account, at i-search ang Angel MV
* I-click ang Opisyal na Video ng TS ENT
* Mag-subscribe, panoorin, i-like, mag-comment, at i-share. Gumawa at gumamit ng maraming YouTube accounts upang gawin ito kung maaari!
* Dapat rin na panoorin ang buong video (walang pause/forward) at ang volume ay kailangang mas mataas sa 50% sa Youtube player
* Wag i-REFRESH ang page o i-REPLAY. Ulitin ang mga steps at i-search ang MV ulit upang mabilang ang bawat view.
* I-clear ang history matapos ang 10 pagpapanood at burahin ang mga cookies matapos ang 60 na minuto. (ALL TIME history/cookies, hindi lang ung mga cookies sa nakaraang oras^^).
* Ulitin ang mga steps araw-araw hanggang matapos ang promosyon ng Angel!
At, kung gaano kadalas ang B.A.P na binabanggit at isine-search online ay parte ng mga ranking sa Korea
Sa BYS, iyan ang aming ginagawa araw-araw. Ang aming layunin ay matulungan ang B.A.P na masako ang mundo kaya ginagamit namin ang mga social medias PALAGI upang matulungan ang B.A.P na mas makilala pa. Mayroon kaming mahigit sa 60 na katao sa aming grupo at maraming mga bagong BABYz ang nakakaalam tungkol sa B.A.P dahil sa amin. Ngunit kung ang aming 90,000+ na followers ay parehas din ang gagawin, makikilala ang B.A.P kahit saan sa mundo sa madaling panahon lamang.
* Gaon Social Chart: Tingnan ang tutorial DITO sa paggawa ng account at mai-share ang Angel MV.
* Search Engines: I-enter ang "B.A.P 비에이피" sa mga search boxes ng mga sites sa ibaba at i-click ang kahit anong artikulo ng B.A.P at panatilihing nakabukas sa loob ng 1 minuto. Isarado ang browser window bago gumamit ulit ng isa pang search engine: Naver (Kailangan ng account, tingnan ang tutorial ng paggawa DITO); Nate; Daum; Me2Day.
* Gamitin ang inyong mga social medias: I-retweet ang kahit anong tweets ng TS ENT / B.A.P, i-share ang mga posts ng TS ENT sa B.A.P official Facebook, i-update ang iyong Tumblr at Instagram account na mayroong mga video at litrato ng B.A.P.
* Manghawa ng kapwa BABY: Ipakilala ang B.A.P sa bawat tao na inyong makikilala.
* Sumali sa mga kpop forums at mga komunidad at ipromote ang B.A.P: Panatilihing impormado ang mga tao tungkol sa kanila. Madalas na nanatili ang mga tao sa mga grupo at bumili ng mga albums kung sila ay updated tungkol sa kanila.
Tungkol sa mga REAL TIME charts:
Tungkol sa mga pag-trendng mga bagay-bagay sa Twitter!
Ang pag-trend ay may epekto sa real time chart PERO SA REAL CHART LANG. Kailan natin kailangan ito? Kapag naglabas na sila ng mga music videos at mga albums! Ia-update namin kayo sa mga hashtag na gagamitin sa bawat paglabas ng album! Sa ngayon, ang Inkigayo lang ang nag-rerequire ng pagtrend NGUNIT iyon lang ay kapag ang B.A.P ay nasa top 3!
Kaya kailangan nating iboto sila para masama muna sila sa top 3 at saka itrend para matulungan silang manalo! Maliban pa dito, wala nang iba pang ebidensya na ang trending at ang pagsearch ng kanilang pangalan ay may epekto sa kahit ano pa mang chart.
Tutorials © BAPYESSIR.COM #Jireh (Filipino)
Alam niyo na, na kapag nagkakaroon ng comeback ang B.A.P, ipopromote nila ang kanilang main title track sa mga music shows sa loob ng apat hanggang anim na linggo. Magrarank sila sa maraming mga charts at mananalo sa ibang mga music programs. Maliban sa pagtaas ng kanilang digital sales, kaya rin nating IBOTO ang Angel sa mga music shows at maaaring makatulong ito sa pagkapanalo ng B.A.P.
Dapat ay mas pagtuunan natin ng pansin ang M!Countdown dahil ito ang pinakamadaling paraan para sa mga international fans na iboto ang B.A.P. Saka tayo boboto sa Inkigayo (20%), Show Champion (15%), at Music Core (10%). Ang Music Bank ay walang pagboto mula sa mga fans.
MBC Show Champion
Wednesdays, 6:00PM KST
Panoorin ang live performance: Streaming link
Oras ng pagboto: Lunes 11PM KST hanggang Linggo 11PM KST
Paano bumoto: Tutorial
* Ang bawat email address ay maaaring mag-register ng 5 Melon ID.
Sistema ng pagrank:
45% Digital sales (Melon)
10% Physical sales (Hanteo)
15% Ranking mula sa mga netizens
15% Ranking mula sa mga propesyonal sa industriya ng musika
15% Points sa MBC music broadcast
Mnet M!Countdown
Tuwing Huwebes, 6:00PM KST
Panoorin ang live performance: Steaming link
Oras ng pagboto: Mula Biyernes 10AM KST hanggang Lunes 8AM KST
Paano bumoto: Tutorial
* Ang ID na nakaregister sa MWAVE (global) ay maaaring bumoto sa Mnet Korea o sa Mnet Japan (1 ID = 2 boto).
* Ang bawat IP ay maaaring mag-accommodate ng 10 IDs at maaari ka ring mag-sign up ng marami pang mga accounts kung babaguhin niyo ang inyong IP.
* Dapat ay huwag isama ang B.A.P o anumang kaugnay na mga salita sa inyong Mnet ID.
* Siguraduhing ang mga IDs ay hindi nakasunud-sunod. (e.g. bapangel01, ...)
* Ang ID na nakaregister sa Mnet Japan ay maaari ring bumoto sa Mnet Korea (ikukumpirma pa).
Sistema sa ranking:
50% Digital sales
20% Age preference
10% Physical sales
10% Live show preference sa Mnet
5% Boto ng mga Global fans
5% Pagboto sa SMS ( Sa top 3 lamang)
KBS Music Bank
Tuwing Biyernes, 6:10PM KST
Panoorin ang live performance: Streaming link
Walang pagboto
Sistema ng ranking:
65% Digital sales
20% Oras ng pagbroadcast (mga oras tuwing ipinapatugtog ang mga kanta ng B.A.P sa broadcast, kasama na ang BG music sa iba pang mga programa ng KBS, etc.)
10% Pinili ng mga manonood
5% Physical sales
MBC Music Core
Tuwing Sabado, 3:50PM KST
Panoorin ang live performance: Streaming link
Oras ng pagboto: Habang nagbobroadcast sa pamamagitan ng SMS
Paano bumoto: Tutorial
Sistema ng ranking:
70% Physical at Digital sales
10% Mga views sa Youtube
10% Board ng mga boto ng mga manonood
10% Pagboto sa SMS
TANDAAN ANG MGA VIEWS SA YOUTUBE SA MUSIC CORE
Ang mga views lamang sa Opisyal na Website ng MBC ang bibilangin
2. Hanapin ang pangalan ng kanta ng B.A.P.
3. Pindutin ang pink tv icon sa kanan upang mabilang ang view.
4. Ang bawat IP ay maaaring magkaroon ng isang view lamang (kinakailangan pang ibahin ang IP para tumaas ang bilang)
SBS Inkigayo
Tuwing Linggo, 4:10PM KST
Panoorin ang live performance: Streaming link
Oras ng pagboto: Mula Lunes 11PM KST hanggang Sabado 11PM KST
Paano bumoto: Tutorial
Sistema ng ranking:
50% Digital sales (Gaon)
30% SNS
20% Pagboto
Tutorials © BAPYESSIR.COM #Jireh (Filipino)
Masisiyahan kaming sagutin ang inyong mga tanong tungkol sa tutorial na ito at iba pang mga paraan upang maipakita ang suporta sa B.A.P. Ngunit pakiusap lamang, iapadala ang lahat ng inyong tanong sa aming Ask account. Sasagutin namin ito sa loob ng 24 oras sa English, Spanish, French, Chinese o Japanese.
HINDI namin sasagutin ang anumang emails, mentions sa Twitter, PM o mga komento sa Facebook o mga mensahe sa Tumblr tungkol sa tutorial sa kadahilanang marami kaming ginagawa sa pagbalik ng B.A.P at pamunuhan ang buong fansite. Maraming salamat.
Mangyari lamang na ipagkalat ang aming Tutorial ng may tamang credits
(© BAPYESSIR.COM)
* Kung gusto niyo pang makatulong pa, tulungang magkaroon ng mga Korean TV Shows ang B.A.P!
Ito ang listahan ng mga Korean TV stations, Twitter Lists at popular shows, paki-tweet ang mga sumusunod ng may maayos at magandang deskripsyon ng #BAP upang ipromote ang B.A.P sa Ingles o Koran (kasama ang link ng rekomendasyon, isang maikling video ng B.A.P na kumakatawan sa kanila ng maayos - mas latest, mas maganda)
KBS (Hello Baby, Dream Team, Happy Together, Happy Sunday, 2 Days 1 Night)
MBC (Infinity Challenge, Come and Play, We got Married, Radio Star)
SBS (Running Man, Star King, 김병만의 정글의 법칙)
Sa inyong tulong, maaari silang lumabas sa mga TV shows at mga dramas at hindi lamang sa mga music programs (mas maganda kung sila ay nasa magasin at mga advertisements).
Music programs:
© bapyessir.com #Jireh (Filipino)



No comments:
Post a Comment